Ang Az-Zukhruf[2] (Arabe: الزخرف‎, "Mga Gayak ng Ginto, Karangyaan") ay ang ika-43 kabanata (surah), ng Quran, ang sentrong relihiyosong teksto ng Islam. Naglalaman ito ng 89 na talata (ayat).

Sura 43 ng Quran
الزخرف
Az-Zukhruf
Mga Palamuti[1]
KlasipikasyonMakkan
PosisyonJuzʼ 25
Blg. ng Ruku7
Blg. ng talata89
Pambungad na muqaṭṭaʻātḤā Mīm حم

Ipinangalan sa ginuntuang ornamento sa talata 35 at muli sa talata 53, pinetsahan ang surah na ito sa Ikalawang Panahong Makkan bago ang paglipat ni Propeta Muhammad sa Medina. Sang-ayon sa Kronolohiyang Nöldeke ng mga surah, ang mga Ornamentong Ginto ay ika-61 surah na nahayag.[3] Bagaman, kinikilala ng Pamantayang Ehipsyong Kronolohiya ito bilang ang ika-63 surah na nahayag.[4] Hindi alitana ang tumpak na posisyon na kung saan nahayag ang surah na ito, malinaw na naihayag ang surah noong Ikalawang Panahong Makkan, isang panahong na kung saan si Muhammad at ang kanyang mga tagasunod ay unti-unting dumarami ang oposisyon mula sa liping Quraysh.

Naalinsunod sa lahat ng mga surah ng Quran, nagsimula ang mga Ornamento ng Ginto sa Bismillah, o ang pamantayang talata na 'Sa Ngalan ng Allâh, ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain at Ganap na Mapagmahal.'[5]

Isang surah ang Ornamento ng Ginto na nagsisilbi bilang isang paalala sa mga mananampalataya na hindi matatagpuan ang kabutihan ng Diyos sa kayamanan at materyal na kapangyarihan. Tinatanggihan ng surah ang pahayag ng mga hindi naniniwala na ang mga propeta, pinuno at karapat-dapat na mga tao ay nakikilala sa kanilang mga kayamanan at sa gayo'y nabibigyan sila ng kapangyarihan ng mga ito na pigilan ang tukso, pagpapalayaw at nakakaabala. Binalaan ng surah ang mga hindi naniniwala, na sumuko sa "mga kasiyahan lamang sa buhay na ito" (Q43:17), [5] ng isang kakila-kilabot at pinahihirapan na kabilang buhay at hinihimok ang mananampalataya na huwag maibigan ang mga yaman at sa halip, ituon ang saril sa kanilang pananampalataya at pag-ibig ng Diyos. Paulit-ulit din na sinasabi sa surah ang katotohanan na ang mga anghel ay hindi mga anak na babae ng Diyos kundi ang kanyang tapat na mga lingkod (Q43:19).[6] Tinanggihan din ang posibilidad ni Hesus na literal na anak ng Diyos sa loob ng mga talatang 63-64.[7]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Quran Tagalog Filipino in PDF Isinalin sa Wikang Tagalog nina Dr. Aboulkhair S. Tarason Ustadh Badi Udzaman S. Saliao at Muhammad M. Rodrigues Sinuri ni Dr. Muhammad Nadheer Ebil. Abril 2010.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Ibn Kathir. "Tafsir Ibn Kathir (English): Surah Al Zukhruf". Quran 4 U (sa wikang Ingles). Nakuha noong 14 Abril 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Robinson, Neal. Discovering the Qur'an: A Contemporary Approach to a Veiled Text. London: SCM Press LTD, 1996. Print. 77 (sa Ingles).
  4. Robinson, Neal. Discovering the Qur'an: A Contemporary Approach to a Veiled Text. London: SCM Press LTD, 1996. Print. 73 (sa Ingles).
  5. 5.0 5.1 Haleem, M.A.S. Abdel. The Qur'an (New York: Oxford University Press, 2005) 316 (sa Ingles)
  6. Haleem, M.A.S. Abdel. The Qur'an (New York: Oxford University Press, 2005) 317 (sa Ingles).
  7. Haleem, M.A.S. Abdel. The Qur'an (New York: Oxford University Press, 2005) 319 (sa Ingles).