Azimuth
Ang asimut (azimuth) (mula sa pangmaramihang anyo ng Arabong pangngalang "السَّمْت" as-samt na ang ibig sabihin ay “ang direksiyon”) ay isang angular na pagsukat (angular measurement) sa sistemang pabilog ng mga koordinado (spherical coordinate system). Ang bektor na mula sa isang tagamasid (pinagmulan) hanggang sa punto ng interes ay perpendikular ang pagpatama (projected perpendicularly) sa isang reperensiyang patag na ibabaw (reference frame); ang anggulo sa pagitan ng napatamang bektor at ang reperensiyang bektor sa reperensiyang patag na ibabaw ay tinatawag na asimut.
Kapag ginamit bilang isang panlangit na koordinado (celestial coordinate), ang asimut ay ang pahalang na direksiyon ng isang bituin o kahit anong pang-astronomiyang bagay sa kalangitan. Ang bituin ang punto ng interes, ang reperensiyang patag na ibabaw ay ang lokal na lugar (hal. isang pabilog na lugar na may limang kilometro sa lebel ng dagat) sa paligid ng tagamasid sa ibabaw ng mundo (Earth's surface), at ang reperensiyang bektor ay nakatutok sa tunay na hilaga (true north). Ang asimut ay ang anggulo sa pagitan ng hilagang bektor at ang bektor ng bituin sa pahalang na patag na ibabaw.
Ang asimut ay kadalasang isinusukat gamit ang digris (°). Ang konseptong ito ay ginagamit sa paglalayag, astronomiya, pag-iinhinyero, pagmamapa, pagmimina at balistiks (ballistics).