BRICS
Ang BRICS ay ang daglat ng samahan ng limang pangunahing umuusbong na ekonomiya: Brazil, Rusya, India, Tsina at South Africa.[1] Orihinal na tinukoy ang pangkat na "BRIC" bago sumama ang South Africa noong 2010. Ang lahat ng kasapi ng BRICS ay mga umuunlad o bagong-industriyalisadong mga bansa, ngunit ang mga ito'y natatangi dahil sa kanilang malaki at mabilis na lumalagong ekonomiya at ang kanilang malaking impluwensiya sa panrehiyon at pandaigdigang kalakaran; kasapi rin ng G-20 ang limang bansa.[2] Mula 2010, taon-taong pormal na nagpupulong sa isang summit ang mga bansang kasapi ng BRICS. Sa kasalukuyan, hawak ng Rusya ang panguluhan ng pangkat, at siyang paggaganapan ng ika-pitong summit ng BRICS sa Hulyo 2015.
Noong 2014, kinakatawan ng mga bansang kasapi ng BRICS ang halos 3 bilyong katao, o humigit-kumulang sa 40% ng populasyon ng mundo; dahil na rin ang limang bansang kasapi ay nasa 25 may pinakamalaking populasyon sa daigdig, apat pa rito ang nasa sampung pinakamalaki. Aabot sa US$16.039 trilyon ang pinagsamang nominal na GDP ng limang bansa, katumbas ng humigit-kumulang sa 20% ng kabuuang GDP ng mundo, at may tinatayang US$4 trilyon pinagsamang reserbang panlabas.[3][4] Umaani ng papuri at kritisismo ang BRICS mula sa maraming komentarista.[5][6][7] Ang ugnayang bilateral ng mga bansang kasapi ng BRICS ay isinasagawa batay sa di-pangingialam, pagkakapantay-pantay, at kapwa may benepisyo.[8]
Kasaysayan
baguhinAng taguring "BRIC" ay unang ginamit noong 2001 ng noo'y tagapangulo ng Goldman Sachs Asset Management na si Jim O'Neill, sa kaniyang inilathalang Building Better Global Economic BRICs.[9] Nagpulong ang mga minister panlabas ng naunang apat na bansa ng BRIC (Brazil, Rusya, India, at Tsina) sa Lungsod ng New York noong Setyembre 2006 sa labas ng nagaganap na Pangkalahatang Debate ng UN General Assembly, na siyang naging hudyat ng serye ng mga matataas-na-antas ng pagpupulong.[10] Naganap ang isang ganap na malakihang diplomatikong pagpupulong sa Yekaterinburg, Rusya noong 16 Hunyo 2009.[11]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "New era as South Africa joins BRICS" Naka-arkibo 2011-04-18 sa Wayback Machine.. SouthAfrica.info. 11 Abril 2011. Hinango noong 2 Disyembre 2012.
- ↑ China, Brazil, India and Russia are all deemed to be growth-leading countries by the BBVA: "BBVA EAGLEs Annual Report (PPT)". BBVA Research. 2012. Retrieved 16 April 2012.
- ↑ "World Economic Outlook". IMF. Abril 2013. Nakuha noong 17 Abril 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Amid BRICS' rise and 'Arab Spring', a new global order forms". Christian Science Monitor. 18 Oktubre 2011. Hinango noong 20 Oktubre 2011.
- ↑
"Brics a force for world peace, says China". 4=Business Day. 8 Agosto 2012. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 22 Abril 2013. Nakuha noong 9 Nobyembre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Brics summit exposes the high wall between India and China" Naka-arkibo 2 April 2012 sa Wayback Machine. . Asia Times. 2 Abril 2012. Hinango noong 10 Hulyo 2013.
- ↑ "BRICS – India is the biggest loser". USINPAC. 18 Abril 2013. Nakuha noong 17 Hunyo 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The Sino-Brazilian Principles in a Latin American and BRICS Context: The Case for Comparative Public Budgeting Legal Research". Wisconsin International Law Journal. 13 Mayo 2015. Hinago noong 6 Hunyo 2015.
- ↑ Jim O' Neill (2001). "Building Better Global Economic BRICs" Naka-arkibo 2014-07-14 sa Wayback Machine.. Goldman Sachs. Hinango noong 13 Pebrero 2015.
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2015-07-10. Nakuha noong 2015-07-07.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Cooperation within BRIC". Kremlin.ru. Hinango 16 Hunyo 2009. 19 Hunyo 2009.