B movie
Ang B movie ay isang pelikulang may mababang badyet na hindi isang pelikulang arthouse. Sa orihinal na gamit, noong ginintuang panahon ng Hollywood, ang terminong ito ay mas kilala bilang isang pelikulang sinadya upang ipamahagi bilang di gaanong naipapahayag, hulihang bahagi ng isang double feature (dobleng tanghal). Bagama't ang produksyon ng pelikula sa Estados Unidos ay inilaan bilang mga pangalawang tanghal (second features) ay hininto noong katapusan ng dekada 1950, ang terminong B movie ay ipinagpatuloy na gamitin sa mas malawak na kahulugan na nananatili ngayon. Sa pagkatapos ng ginintuang panahon na gamit sa salita, may kalabuan sa magkabilang panig ng depinisyon: sa kabilang panig, maraming mga B-movie ang nagpapakita ng mas mataas na antas ng galing at kahusayang estetika; sa kabila naman, ang pangunahing interes ng maraming murang pelikulang mapagsamantal ay mahalay.
Sa kahit aling gamit, karamihan sa mga B movie ay kumakatawan ng isang partikular na kategorya—ang generang Western ay isang ginintuang panahon na pangunahing B movie, habang ang mababang badyet na science fiction at horror (katatakutan) na pelikula ay naging popular noong dekada 1950. Ang mga naunang B-movie ay madalas na parte ng isang serye kung saan isang bida lamang ang palaging gumaganap sa isang karakter. Halos palaging mas maiksi kaysa sa pelikulang top-billed na kapareha nila, marami ang may haba ng 70 minuto o mas mababa pa. Ang termino ay nangahulugan ng pangkalahatang pagtingin na ang mga B movie ay mas mababa kumpara sa mas magandang pelikulang nangunguna na naka-budget; indibiduwal na mga B movie ay madalas na di pinapansin ng mga kritiko.
Kung minsan ay nagbibigay inspirasyon ng maraming karugtong ang kasalukuyang mga B movie, ngunit ang serye ay hindi gaanong karaniwan. Bilang ang karaniwang haba ng mga top-of-the-line na pelikula ay mas matagal, ganoon din ang B movie. Sa kasalukuyang gamit, ang termino ay tila may magkasalungat na konotasyon: maaaring mag senyas ito ng opinyon na ang isang pelikula ay (a) isang uri ng pelikula na may napakaliit na malikhaing ambisyon o (b) isang masiglang, masigasig na pelikula na di pinagbabawalan ng mga hadlang na ipinapataw sa mas magastos na proyekto at di pasan ng mga kombensyon ng karaniwang "seryosong" malayang pelikula. Ang termino ay maluwag na ginagamit ngayon bilang pagtukoy sa ibang mas ginastosan, pangkaraniwan na pelikula na may kasamang istilong mapagsamantala na nilalaman, karaniwan sa mga tradisyunal na iniuugnay sa B movie.