Bahay na bato

istilong pang-arkitektura na karaniwan noong panahon ng mga Kastila sa Pilipinas

Ang bahay na bato (Tagalog, literal na salin sa Ingles ay “stone house”, kilala rin na balay na bato o balay nga bato sa Bisaya) ay isang uri ng gusaling nagmula noong panahon ng Kolonisasyon ng mga Espanyol sa Pilipinas.

Isang klase ng bahay na bato sa Ivatan, Batanes.

Ito ay ang makabagong bersyon ng tradisyunal na bahay kubo. Nagbago man ang disenyo nito sa mga nagdaang panahon, napanatili pa rin nito ang arkitektural na batayan ng bahay kubo, na kung saan ito ay inangkop sa tropikal na klima, mabagyong panahon, at ang kapaligiran ng buong arkipelago na madalas pangyarihan ng lindol, at pinagsama ito sa impluwensya ng mga mananakop na Espanyol at mangangalakal na Intsik.

Ang istilo nitong pinaghalong Austronesian, Espanyol, at Intsik, pati na rin ang arkitekturang Amerikano ng unang bahagi ng ika-20 siglo ay nagpapatunay lamang na ang Pilipinas ay ang resulta ng pagsasama-sama ng mga kulturang ito.

Ang pinaka karaniwang anyo nito ay nagtatampok ng nakataas at nakausling itaas na palapag na gawa sa kahoy (na mayroong mga balustrada, ventanillas, at mga bintanang Kapiz) na nakatayo sa mga kahoy na poste na nakaayos na hugis-parihaba bilang mga pundasyon nito. Ang mga posteng ito ay nakalagay sa likod ng mga solidong blokeng bato o ladrilyo na istilong Espanyol na nagbibigay ng impresyon ng unang palapag, ngunit sa katotohanan, ito ay ginagamit bilang imbakan, tindahan, at kung ano pang mga gawaing may kaugnayan sa negosyo. Ang ikalawang palapag naman, tulad ng bahay kubo, ay ang nagsisilbing tirahan.

Ang mga bubong nito ay Chinese-tiled o di kaya’y pawid (na gawa sa alinman sa mga sumusunod: nipa, sago palm, o cogon), na may disenyo ng mga huling bahagi ng ika-19 na siglo na nagtatampok ng galvanization. Ang mga kabayong ginagamit sa mga kalesa ay pinatitira sa mga kuwadrang tinatawag na caballerizas.

Bahay na Bato sa Kasaysayan

baguhin

Maraming iba’t-ibang naging pagsalin ang disenyo ng bahay na bato at makikita ito sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Kadalasa’y naiiba ang pagkakagawa sa bahay depende na rin sa kung anung materyales ang tanyag at namamayagpag sa naturing lugar.

Sikat ang mga bahay na baton ng Vigan sa Ilocos Sur, sapagkat napakarami pa ang nakatayo hanggang sa ngayon. Sa Malate at Escolta sa Maynila ay may mga malalaki pang bahay na bato na daang-taon nang nakatirik.

Mga Sanggunian

baguhin

http://www.byahilo.com/2005/07/14/bahay-na-bato/ Naka-arkibo 2010-01-09 sa Wayback Machine.

http://www.livinginthephilippines.com/history_of_philippine_architecture.html Naka-arkibo 2007-06-09 sa Wayback Machine.

https://web.archive.org/web/20070314232929/http://www.ri.net/schools/East_Greenwich/Cole/philippinesarchitecture.html

http://www.librarylink.org.ph/featarticle.asp?articleid=110

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Arkitektura at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.