Bakuna sa tigdas
Bakuna sa tigdas ay isang bakuna na napakabisa sa pag-iwas ng tigdas.[1] Pagkatapos ng isang dosis, ang 85% ng mga batang nasa siyam na buwan ang edad at 95% ng lampas sa labingalwang buwan ng edad ay immune na o di na tinatablan ng sakit.[2] Ang halos lahat ng mga hindi nagkakaroon ng resistensiya laban sa naturang sakit pagkatapos ng isang dosis ay nagkakaroon ng resistensiya pagkatapos ng ikalawang dosis. Kapag ang bilang ng pagbabakuna sa isang populasyon ay mas mahigit sa 93%, ang paglagap ng tigdas ay karaniwang hindi na nagaganap; gayun pa man, magaganap ulit ito kung ang bilang ng pagbabakuna ay bababa. Tumatagal ang bisa ng bakuna ng maraming taon. Hindi malinaw kung nababawasan ang bisa nito sa paglipas ng panahon. Ang bakuna ay maaari ring pang-iwas laban sa sakit kung ibinibigay sa loob ng ilang araw pagkalipas ng pagkakalantad dito.[1]
Paglalarawan sa Bakuna | |
---|---|
Target disease | Mga Tigdas |
Uri | Attenuated virus |
Datos Klinikal | |
MedlinePlus | a601176 |
Kodigong ATC | |
Mga pangkilala | |
ChemSpider | |
(ano ito?) (patunayan) |
Tingnan din: Bakunang MMRV
Kaligtasan
baguhinSa pangkalahatan,ang bakuna ay ligtas pati na sa mga may impeksiyon sa HIV s. Ang mga di inaasahan at di kanais-nais na epekto ng gamot ay bahagya at panandalian lamang. Maaaring kasama na dito ang pananakit sa pinagturukan o bahagyang lagnat. Anaphylaxis na nadokumento na mga isa sa bawat isang daang libong tao. Mga Bilang ng Guillian-Barre syndrome, autism at sakit na pamamaga sa pagdumi ay hindi lumilitaw na tumaas.[1]
Pormulasyon
baguhinAng bakuna ay nabibili nang solo o sa kumbinasyon ng mga ibang bakuna pati na ang bakuna laban sa tigdas , bakuna laban sa beke, and bakuna laban sa bulutong-tubig (ang MMR na bakuna at MMRV na bakuna). Ang bakuna ay magkasingbisa sa lahat ng mga pormulasyon. Inirerekomenda ng World Health Organization na maibigay ito sa ika-siyam na buwan ang edad sa mga lugar ng mundo kung saan pangkaraniwan ang sakit. Sa mga lugar kung saan di pangkaraniwan ang sakit, naaangkop lamang na ibigay ito sa ika-labingdalawang buwan. Ito ay isang buhay na bakuna. Ito ay nagiging tuyong pulbos na nangangailangang maihalo bago ito maibigay maging ito man ay ituturok sa ilalim ng balat o sa kalamnan. Ang pagpapatunay na ang bakuna ay naging mabisa ay matutukoy sa pamamagitan ng mga pagsusuri sa dugo.[1]
Kasaysayan, Lipunan at Kultura
baguhinNakatanggap ng ganitong bakuna ang humigit-kumulang na 85% ng mga bata sa buong mundo noong 2013.[3] Noong 2008, di bababa sa 192 na bansa ang nag-alok ng dalawang dosis.[1] Ito ay unang ipinakilala noong 1963.[2] Ang bakunang kumbinasyon ng tigdas-beke-tigdas(rubella) (MMR) ay unang nagamit noong 1971.[4] Ang bakuna laban sa bulutong-tubig ay idinagdag sa tatlong ito noong 2005 na nagresulta ng MMRV na bakuna.[5] Ito ay nasa Listahang ng Mahahalagang Gamot (List of Essential Medicines)ng World Health Organization, ang mga mahahalagang medikasyong kailangang sa pangunahing sistemang pangkalusugan.[6] The vaccine is not very expensive.[1]
Mga Sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 "Measles vaccines: WHO position paper" (PDF). Weekly epidemiological record. 84 (35): 349–60. 28 Agosto 2009. PMID 19714924.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 Control, Centers for Disease; Prevention (2014). CDC health information for international travel 2014 the yellow book. p. 250. ISBN 9780199948505.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Measles Fact sheet N°286". who.int. Nobyembre 2014. Nakuha noong 4 Pebrero 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Vaccine Timeline". Nakuha noong 10 Pebrero 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mitchell, Deborah (2013). The essential guide to children's vaccines. New York: St. Martin's Press. p. 127. ISBN 9781466827509.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "WHO Model List of EssentialMedicines" (PDF). World Health Organization. Oktubre 2013. Nakuha noong 22 Abril 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)