Bakunang mRNA
Ang bakunang mRNA ay isang uri ng bakuna na ginagamit ang isang kopya ng isang molekula na tinatawag na messenger RNA (mRNA) upang makagawa ng tugon sa inmune.[1] Nagpapadala ang bakuna ng mga molekula ng antigen-encoding (antihenong nagsasakodigo) na mRNA papunta sa selulang inmune, na gamit ang dinisenyong mRNA bilang isang kopya upang gawin ang banyagang protina na karaniwang nalilikha ng isang mikroorganismo (tulad ng isang bayrus) o sa pamamagitan ng isang selula ng kanser. Pinapasigla ng mga molekulang protina na mga ito ang isang umaangkop na tugon sa inmune na tinuturuan ang katawan na matukoy at wasakin ang katumbas na patoheno/mikroorganismo o mga selula ng kanser.[1] Dinadala ang mRNA sa pamamagitan ng kapwa-pormulasyon ng RNA na isinakapsula sa mga lipidong nanopartikula na prinoprotekta ang mga hibla ng RNA at kanilang absorpsyon patungo sa loob ng mga selula.[2][3]
Ang reaktohenisidad, ang inklinasyon ng isang bakuna na makagawa ng mga masamang reaksyon, ay katulad ng sa mga nakasanayang di-RNA na bakuna.[4] Maaring magkaroon ng masamang reaksyon ang mga bakunang mRNA sa mga taong may awtoinmuneng tugon.[4] Ang kapakinabangan ng mga bakunang mRNA sa mga tradisyunal na bakuna ay kadalian ng disenyo, mabilis at mababang halaga ng produksyon, ang induksyon ng parehong inmunidad na selular at humoral, at kakulangan ng interaksyon sa henomikong DNA.[5][6] Habang ang ilang bakunang mRNA, tulad ng bakunang COVID-19 ng Pfizer–BioNTech, ay may desbentaha ng pangangailangan ng imbakan na sobrang lamig bago ipamahagi,[1] habang hindi na kailangan ito sa ibang bakunang mRNA, tulad ng mga bakunang Moderna, CureVac, at Walvax para sa COVID-19.[7][8]
Sa terapeutikang RNA, nakaakit ang mga bakunang mRNA ng malaking interes bilang mga bakuna para sa COVID-19.[1] Noong Disyembre 2020, nakuha ng Pfizer–BioNTech at Moderna ang awtorisasayon para sa kanilang bakunang COVID-19 na nakabatay sa mRNA. Noong Disyembre 2, ang Medicines and Healthcare products Regulatory Agency (MHRA) ng Reino Unido ay naging unang regulador ng mga gamot na pinayagan ang isang bakunang mRNA, na inawtorisa ang bakunang Pfizer–BioNTech para sa laganap na paggamit.[9][10][11] Noong Disyembre 11, nagpalabas ang Food and Drug Administration (FDA) ng Estados Unidos isang awtorisasyon ng emerhensiyang gamit para sa bakunang Pfizer–BioNTech[12][13] at pagkalipas ng isang linggo, kaparehong inawtorisa ang bakunang Moderna.[14][15]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 Park KS, Sun X, Aikins ME, Moon JJ (Disyembre 2020). "Non-viral COVID-19 vaccine delivery systems". Advanced Drug Delivery Reviews (sa wikang Ingles). 169: 137–51. doi:10.1016/j.addr.2020.12.008. PMC 7744276.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kowalski PS, Rudra A, Miao L, Anderson DG (Abril 2019). "Delivering the Messenger: Advances in Technologies for Therapeutic mRNA Delivery". Mol Ther (sa wikang Ingles). 27 (4): 710–28. doi:10.1016/j.ymthe.2019.02.012. PMC 6453548.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Verbeke R, Lentacker I, De Smedt SC, Dewitte H (Oktubre 2019). "Three decades of messenger RNA vaccine development". Nano Today (sa wikang Ingles). 28: 100766. doi:10.1016/j.nantod.2019.100766. hdl:1854/LU-8628303.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 Pardi, Norbert; Hogan, Michael J.; Porter, Frederick W.; Weissman, Drew (Abril 2018). "mRNA vaccines — a new era in vaccinology". Nature Reviews Drug Discovery (sa wikang Ingles). 17 (4): 261–279. doi:10.1038/nrd.2017.243. ISSN 1474-1784. PMC 5906799.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ PHG Foundation (2019). "RNA vaccines: an introduction". Pamantasan ng Cambridge. Nakuha noong 18 Nobyembre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kramps T, Elders K (2017). "Introduction to RNA Vaccines". RNA Vaccines: Methods and Protocols. Methods in Molecular Biology (sa wikang Ingles). Bol. 1499. pp. 1–11. doi:10.1007/978-1-4939-6481-9_1. ISBN 978-1-4939-6479-6.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Crommelin DJ, Anchordoquy TJ, Volkin DB, Jiskoot W, Mastrobattista E (Marso 2021). "Addressing the Cold Reality of mRNA Vaccine Stability". Journal of Pharmaceutical Sciences (sa wikang Ingles). 110 (3): 997–1001. doi:10.1016/j.xphs.2020.12.006. PMC 7834447.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Mexico to start late-stage clinical trial for China's mRNA COVID-19 vaccine". Reuters (sa wikang Ingles). 11 Mayo 2021. Nakuha noong 19 Agosto 2021.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "UK authorises Pfizer/BioNTech COVID-19 vaccine" (Nilabas sa mamamahayag) (sa wikang Ingles). Department of Health and Social Care. 2 Disyembre 2020.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Boseley S, Halliday J (2 Disyembre 2020). "UK approves Pfizer/BioNTech Covid vaccine for rollout next week". The Guardian (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2 Disyembre 2020.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Conditions of Authorisation for Pfizer/BioNTech COVID-19 Vaccine" (Decision) (sa wikang Ingles). Medicines & Healthcare Products Regulatory Agency. 8 Disyembre 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "FDA Takes Key Action in Fight Against COVID-19 By Issuing Emergency Use Authorization for First COVID-19 Vaccine". U.S. Food and Drug Administration (FDA) (Nilabas sa mamamahayag) (sa wikang Ingles). 11 Disyembre 2020. Nakuha noong 6 Pebrero 2021.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Oliver SE, Gargano JW, Marin M, Wallace M, Curran KG, Chamberland M, atbp. (Disyembre 2020). "The Advisory Committee on Immunization Practices' Interim Recommendation for Use of Pfizer-BioNTech COVID-19 Vaccine – United States, Disyembre 2020" (PDF). MMWR Morb Mortal Wkly Rep (sa wikang Ingles). 69 (50): 1922–24. doi:10.15585/mmwr.mm6950e2. PMC 7745957.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "FDA Takes Additional Action in Fight Against COVID-19 By Issuing Emergency Use Authorization for Second COVID-19 Vaccine". U.S. Food and Drug Administration (FDA) (Nilabas sa mamamahayag) (sa wikang Ingles). 18 Disyembre 2020.
{{cite nilabas sa mamamhayag}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Oliver SE, Gargano JW, Marin M, Wallace M, Curran KG, Chamberland M, atbp. (Enero 2021). "The Advisory Committee on Immunization Practices' Interim Recommendation for Use of Moderna COVID-19 Vaccine – United States, December 2020" (PDF). MMWR Morb Mortal Wkly Rep (sa wikang Ingles). 69 (5152): 1653–56. doi:10.15585/mmwr.mm695152e1.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)