Ang bakuola (Ingles: vacuole) ay isang tinatakdaan ng membranong organelo na makikita sa mga selula ng lahat ng mga halaman, fungi, ilang mga protista, hayop at bakterya. Ang mga bakuola ay napapalibutan ng mga kompartmento(paghahati) na napupuno ng tubig na naglalaman ng mga inorganiko at organikong mga molekula kabilang ang mga ensima sa solusyon, bagaman sa ilang mga kaso, ang mga ito ay naglalaman ng mga solido na nilamon. Ang mga bakuola ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasanib(fusion) ng maraming mga membranong besikulo at sa epekto ay mga malalaking anyo lamang ng mga ito. Ang organelong ito ay walang payak na hugis o sukat. Ang istraktura nito ay iba iba ayon sa pangangailangan ng selula.

Isang tipikal na selula ng hayop at ang mga panloob na bahagi (organelo) nito::
(1) nukleyolus
(2) nukleyus
(3) ribosoma (munting mga tuldok)
(4) besikulo
(5) magaspang na endoplasmikong retikulum (ER)
(6) Aparatong Golgi
(7) Sitoiskeleton
(8) makinis na endoplasmikong retikulum
(9) mitokondriyon
(10) bakuola
(11) sitosol
(12) lisosoma
(13) sentriyol sa loob ng sentrosoma
Istrakturang Selulang Panghayop
Bakuola sa selula ng isang halaman.

Ang tungkulin at kahalagaan ng mga bakuola ay iba-iba ayon sa uri ng selulang kinakikitaan nito. Ito ay may mas malaking kahalagahan sa mga selula ng mga halaman, fungi at ilang mga protista kesa sa mga hayop at bakterya. Sa pangkalahatan, ang mga tungkulin ng bakuola ay kinabibilangan ng:

  • Paghihiwalay ng mga materyal na maaaring mapanganib o banta sa isang selula
  • Naglalaman ng mga tinatapong produkto(waste products)
  • Naglalaman ng tubig sa mga selula ng halaman
  • Nagpapanatili ng panloob na hydrostatikong presyon o turgor sa loob ng selula
  • Nagpapanatili ng asidikong panloob na pH
  • Naglalaman ng maliliit na mga molekula
  • Naglalabas ng mga hindi kinakailangang substansiya sa selula
  • Pumapayag sa mga halaman upang sumuporta sa mga istrakturang gaya ng mga dahon at bulaklak sanhi ng presyon ng sentral na bakuola
  • Sa mga buto ng halaman, ang nakaimbak na mga protina na kailangan para sa herminasyon ay itinatago sa mga 'katawang protina' na mga binagong bakuola


Biyolohiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Biyolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.