Balat ng karag
Ang Piel de Sapo o balat ng karag (pamilyang Cucurbitaceae, Cucumis melo, pangkat na Inodorus) ay isang uri ng milong malawakang makukuha sa Hilagang Hemispero, na may lunting balat na may mantsa o pekas (na pinagmulan ng pangalan nito). May isa pang uri nito na may kaparehong hugis ngunit may dilaw na balat, na tinatawag na amarilyo (mula sa Kastilang "amarillo" o milong kanaryong dilaw). Nagmula ito sa Espanya, kung saan malawakan itong pinatutubo (nasa 30,000 mga hektarya ang itinatanim bawat taon). Pangunahing rehiyon sa Espanya ang La Mancha, na nag-aalaga ng ganitong uri sa 12,000 mga hektarya. Lumalaki sila sa panglabas na mga taniman sa buong panahon ng pagpapatubo na may pagtatanim na nagsisimula mula Mayo hanggang Hunyo. Sinisimulan ang produksiyon sa gitna ng Hulyo at nagtatapos sa Setyembre. Isa pang mahalagang lugar ang Murcia na nagtutuon at nagtatangi ng pagpapalaki ng maagang mga pananim, bagaman pangunahing nagtatanim doon tuwing gitna ng Marso at nag-aani mula gitna ng Hunyo hanggang gitna ng Hulyo.
Mayroong matamis na puting laman ang prutas na balat ng karag at yumayabong sa bahagyang asidiko o maasim o kaya neyutral na lupa. Maraming mga bilang ang iniluluwas papunta sa Europa, at pinararami rin sa Brasil at Gitnang Amerika, upang maipadala sa Espanya tuwing mga panahon ng taglagas, taglamig, at tagsibol. Naging pinakatanyag na kultibar sa loob ng huling sampung mga taon sa rehiyon ng La Mancha ang haybrid na liping Sancho mula sa bahay-butil na Syngenta. Maraming mga kultibar na nagdaan sa bukas na polinasyon ang pinatubo sa Espanya hanggang sa kamakailan lamang, ngunit napalitan ng mga haybrid ang halos karamihan sa mga ito, dahil sa nakapagbibigay ang haybrid na mas maraming ani sa mga mang-aani at mayroong mas mainam na panlaban mula sa mga karamdaman. Napanatili ang lumang mga kultibar sa mga koleksiyon ng mga hermoplasma.
Mga kawing panlabas
baguhin- Larawan ng Piel de Sapo Naka-arkibo 2011-07-07 sa Wayback Machine.
- Buod ng estadistika Naka-arkibo 2007-03-11 sa Wayback Machine.
- Pag-aaral ng makatuwirang pagsasakatuparan ng pag-aalaga ng Piel de Sapo sa Kolorado, Estados Unidos
- Kilala rin bilang Camouflage(r) Melon Naka-arkibo 2009-07-09 sa Wayback Machine.