Valkyrie

(Idinirekta mula sa Balkiriya)

Ang Balkir, na nagiging Balkiriya o Kabalkiran kapag pangkatan (Ingles: Valkyr [isang Balkir], Valkyrie [isang pangkat ng mga Balkir] kapag isahan, na nagiging Valkyrs [maraming mga Balkir], Valkyries [pangkat ng mga Balkir] kung maramihan; Kastila: Valquiria [pangkat]; mula sa Matandang Nordiko: Valkyrja, "Mga Tagapili ng mga Napatay"; Aleman: Walküre kapag isa lang, na nagiging Walküren kung marami) ay ang mga diyosang nasa mabababang antas sa mitolohiyang Nordiko.[1] Pinaglilingkuran nila ang punong diyos na si Odin. Ang kanilang takdang gawain ay ang pumili ng kung sino ang mga namatay sa pinaka makabayaning pamamaraan mula sa labanan. Pagkaraan ng pagpili ay dinadala ng Balkiriya ang napili papunta sa Valhalla. Ang napiling ito ay tatawagin na bilang mga einherjar. At isasali sila kay Odin o kaya ay kay Freyja. Makikipaglaban sila sa piling ni Odin sa Ragnarök, ang labanan na nasa dulo ng mundo. Sa Valhalla, ang mga Balkiriya ay maghahain din at mangangalaga ng kapakanan ng nagpipistang mga mandirigma.

Ang Ang Pangangabayo ng mga Balkir (1909), na iginuhit ni John Charles Dollman.

Pinaniniwalaan ng sinaunang mga taong Nordiko na ang mga Valkyr o ang Valkyrie ay sumasakay sa mga dambuhalang mga lobo, at na ang mga ito ay mayroong maiitim na mga pakpak na katumbas ng mga pakpak ng mga uwak; ang dalawang mga hayop na ito ay kapwa naghahakot mula sa mga bangkay na nasa pook ng labanan, na sumasagisag sa kamatayan at pagkawasak. Dahil sa paglaganap ng Kristiyanismo, ang ideya ng isang Balkiri ay nabago nang nabago upang maging isang paglalarawang Romantiko ng isang magandang babae.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Valkyrie". UNYONPEDIA Communication. Nakuha noong 10 Pebrero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Mitolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.