Balon ni Jacob
Ang Balon ni Jacob[1] (Ingles: Jacob's well, Jacob's fountain, Well of Sychar) o Bukal ni Jacob o Balon ng Sicar ay isang malalim na balong tinapyas mula sa buong bato na inuugnay sa tradisyong panrelihiyon kay Jacob sa loob ng dalawang mga milenyo. Nakalagak ito sa isang pook na malapit lamang distansiya mula sa arkeolohikong sityo ng Tell Balata, na iniisip ng mga dalubhasa bilang ang talagang lugar ng biblikong Shechem.[2] Mayroong lalim na 39 mga meto ang balong ito.[1]
Karaniwan din itong nakikilala bilang Bir Ya'qub o Bir Ya'kub (Arabe: بئر يعقوب, Bir = "balon" at Ya'qub= "Jacob"). Kasalukuyan itong nakahimlay sa loob ng hugnayan o kompleks ng isang monasteryo ng Silangang Ortodoksiya na may ganito ring pangalan, ang Simbahan ng Bir Ya'qub, sa Palestinong lungsod ng Nablus na nasa loob ng Kanlurang Pampang.[3][4]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Abriol, Jose C. (2000). "Balon ni Jacob". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), talababa 6, pahina 1564. - ↑ Horne, 1856, pp. 50-51/
- ↑ Bromiley, 1982, p. 955.
- ↑ Hastings at Driver, 2004, pp. 535-537.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya, Bibliya at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.