Bamban (anatomiya)
Ang bamban (Ingles: diaphragm o midriff [isang matandang salitang Ingles ang huli na nangangahulugang "kalagitnaan ng puson"[1]]; Latin: diaphragma) ay ang masel o laman na naghihiwalay ng ng puson mula sa dibdib. Ito ang ikalawang pinakamahalagang masel sa loob ng katawan ng tao (ang puso ang unang pinakamahalaga)[1] o hayop.
Paglalarawan
baguhinIsang patag at mapayat na bubong o simboryo ng masel at membrano ang bamban na nakalatag sa kahabaan ng kalagitnaan ng katawan. Isa itong tabing at malamang litid na naghihiwalay sa baga magmula sa sikmura.[2] Papaitaas itong nakabalantok o nakaarko patungo sa dibdib. Binubuo ito ng patag na mga masel o muskulo sa mga gilid, ng matatatag na mga membrano sa gitna. Nakakabit ang mga ito sa anim na pang-ibabang mga tadyang, sa panlikod na mga buto, at sa pinaka pang-ibabang bahagi ng buto sa dibdib (ang sternum). May ilang mga butas ito na nagsisilbing daanan ng lalanga o esopago, ng aorta ng puson o malaking arterya (ugat na naghahatid ng dugo mula sa puso patungo sa pang-ibabang mga sanga ng punong katawan, katulad ng mga hita, mga binti, at mga paa), ng pangilalim na malaking bena o vena cava (ugat na naghahatid ng dugo pabalik sa puso mula sa mga pang-ibabang mga sanga ng katawan). Pinaglilingkuran ito ng prenikong bungkos ng mga hibla o mga prenikong nerbyo.[1]
Galaw
baguhinKapag umuurong ito, pinaninipis nito ang sarili upang masiksik ang mga nilalaman ng puson, na nagiging sanhi ng paglaki ng sukat ng dibdib; dahil dito pansamantalang lumulubog ang sahig ng dibdib. Isang mahalagang bahagi sa galaw ng paghinga ang pag-urong o pagliit ng bamban, na patuloy na nagaganap sa araw man o kaya sa gabi. Hindi napapansin ng tao o hayop ang galaw na ito ng bamban. Sa pag-urong pa rin nito, sinisiksik ng bamban ang mga organong nakahimlay sa ilalim nito, na nakatutulong sa kanilang mga pagkilos o gawain; dahil dito, naging mahalaga ang mga ehersisyo sa paghinga, katulad ng paghingang makabamban o diyapramatikong paghinga. Nakadaragdag sa taas ng puwang ng dibdib ang pagpatag ng bamban, na nagdurulot din ng pagtaas ng makakayang mailulan sa loob ng dibdib kaya't nahihigop papasok sa mga baga ang hangin.[1]
Sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 Robinson, Victor, pat. (1939). "diaphragm,". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 1-4 at 224. - ↑ Gaboy, Luciano L. Diaphragm - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.