Bamban ng tainga
Ang bamban ng tainga[1] o membranong timpaniko (Ingles: tympanic membrane, tympanum, myrinx, o eardrum), ay isang manipis na membranong biyolohiko na naghihiwalay sa panlabas na tainga mula sa gitnang tainga. Tungkulin nito ang magdala ng tunog magmula sa hangin patungo sa mga osikel (o osikulo) na nasa loob ng gitna ng tainga. Ang butong malyus ang nagdurugtong sa puwang na nasa pagitan ng bamban ng tainga at ng iba pang mga osikel. Maaaring maghantong sa pagkawala ng pandinig na may kaugnay sa pagdadala ng tunog sa tainga ang pagputok o pagkabutas ng bamban ng tainga.
Mga sanggunian
baguhinAng lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya, Tao at Soolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.