Bandundu
Ang Bandundu, dating kilala bilang Banningville o Banningstad, ay isang lungsod sa Lalawigan ng Kwilu, Demokratikong Republika ng Congo. Tinatayang may 133,080 katao ang lungsod noong taong 2009.[1]
Bandundu | |
---|---|
Lungsod ng Bandundu na tanaw mula sa himpapawid | |
Mga koordinado: 3°19′S 17°22′E / 3.317°S 17.367°E | |
Bansa | Demokratikong Republika ng Congo |
Lalawigan | Lalawigan ng Kwilu |
Lawak | |
• Kabuuan | 222 km2 (86 milya kuwadrado) |
Taas | 321 m (1,053 tal) |
Populasyon (2012) | |
• Kabuuan | 143,435 |
• Kapal | 650/km2 (1,700/milya kuwadrado) |
Klima | Aw |
Heograpiya
baguhinMatatagpuan ang Bandundu sa silangang pampang ng Ilog Kwango, sa hilaga ng tagpuan ng mga Ilog Kwango at Kwilu, sa layong 8 kilometro (5 milya) timog ng bunganga ng Kwango sa Ilog Kasai. Ito ay nasa mga 260 kilometro (o 160 milya) mula Kinshasa kung pagbabatayan ang distansiyang panghimpapawid, o mga 400 kilometro (250 milya) kung pagbabatayan naman ang distansiyang pandaan.
Klima
baguhinSa ilalim ng Köppen climate classification, ang Bandundu may basa at tuyong tropikal na klima (Aw).[2]
Datos ng klima para sa Bandundu | |||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Buwan | Ene | Peb | Mar | Abr | May | Hun | Hul | Ago | Set | Okt | Nob | Dis | Taon |
Sukdulang taas °S (°P) | 37.0 (98.6) |
35.6 (96.1) |
36.5 (97.7) |
35.5 (95.9) |
35.3 (95.5) |
34.2 (93.6) |
33.3 (91.9) |
35.4 (95.7) |
35.2 (95.4) |
34.8 (94.6) |
34.4 (93.9) |
33.9 (93) |
37.0 (98.6) |
Katamtamang taas °S (°P) | 30.6 (87.1) |
31.1 (88) |
31.4 (88.5) |
31.4 (88.5) |
31.3 (88.3) |
30.6 (87.1) |
29.5 (85.1) |
30.7 (87.3) |
31.0 (87.8) |
31.0 (87.8) |
30.5 (86.9) |
30.3 (86.5) |
30.8 (87.4) |
Arawang tamtaman °S (°P) | 26.2 (79.2) |
26.5 (79.7) |
26.6 (79.9) |
26.7 (80.1) |
26.7 (80.1) |
25.6 (78.1) |
24.5 (76.1) |
25.5 (77.9) |
26.1 (79) |
26.3 (79.3) |
26.0 (78.8) |
26.1 (79) |
26.1 (79) |
Katamtamang baba °S (°P) | 21.8 (71.2) |
21.9 (71.4) |
21.8 (71.2) |
22.0 (71.6) |
22.1 (71.8) |
20.6 (69.1) |
19.5 (67.1) |
20.3 (68.5) |
21.2 (70.2) |
21.6 (70.9) |
21.5 (70.7) |
21.9 (71.4) |
21.4 (70.5) |
Sukdulang baba °S (°P) | 17.9 (64.2) |
18.2 (64.8) |
18.6 (65.5) |
18.6 (65.5) |
17.0 (62.6) |
15.8 (60.4) |
15.0 (59) |
15.0 (59) |
18.6 (65.5) |
18.5 (65.3) |
18.7 (65.7) |
17.8 (64) |
15.0 (59) |
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) | 144 (5.67) |
149 (5.87) |
169 (6.65) |
171 (6.73) |
100 (3.94) |
23 (0.91) |
6 (0.24) |
22 (0.87) |
107 (4.21) |
213 (8.39) |
246 (9.69) |
192 (7.56) |
1,542 (60.71) |
Araw ng katamtamang presipitasyon (≥ 0.1 mm) | 7 | 9 | 6 | 8 | 6 | 2 | 1 | 2 | 8 | 8 | 10 | 9 | 75 |
Sanggunian: Deutscher Wetterdienst[3] |
Demograpiya
baguhinTaon | Pop. | ±% |
---|---|---|
2009 | 133,080 | — |
2012 | 143,435 | +7.8% |
Pagtataya 2009: [1] |
Ekonomiya at imprastraktura
baguhinDati, ang Bandundu ay isang mahalagang pantalang pang-ilog sapagkat ito ang pinakamalaking lungsod sa kahabaan ng ilog sa pagitan ng Kinshasa at Kikwit. Ngunit nabawas nang husto ang trapiko sa mga Ilog Kasai at Kwango bunga ng Ikalawang Digmaang Congo, at kinakailangan pa itong bumawi. Gayunpaman, may pahintu-hintong serbisyong pampasahero at pangkargamento ang Bandundu papuntang Kinshasa, Mushie at Kikwit. Mula noong 2008, mayroong serbisyong ferry na para sa kotse o trak na pinatatakbo nang ilang beses kada araw sa kahabaan ng Kwango. Isang di-sementadong daan na may habang 250 kilometro ay tumatakbo mula rito papuntang pangunahing lansangan (naka-aspalto) sa pagitan ng Kinshasa at Kikwit.
Pinaglilingkuran ang lungsod ng Paliparan ng Bandundu, na may direktang mga lipad papuntang Kinshasa.
Di-tulad ng maraming mga lungsod sa Demokratikong Republika ng Congo, may palagiang suplay ng kuryente ang Bandundu. Subalit wala itong kinalaman sa Inga-Shaba HVDC na linyang transmisyon, dahil wala naman itong mga panggitnang terminal.
Mga kapatid na lungsod
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 "Congo (Dem. Rep.): largest cities and towns and statistics of their population". World Gazetteer. Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 16, 2012. Nakuha noong Enero 21, 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Peel, M. C.; Finlayson, B. L.; McMahon, T. A. (2007). "Updated world map of the Köppen–Geiger climate classification" (PDF). Hydrol. Earth Syst. Sci. 11: 1633–1644. doi:10.5194/hess-11-1633-2007. ISSN 1027-5606.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
"Klimatafel von Bandundu, Region Bandundu / Dem. Rep. Kongo (Zaire)" (PDF). Baseline climate means (1961-1990) from stations all over the world (sa wikang Aleman). Deutscher Wetterdienst. Nakuha noong 1 Abril 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)