Bansang transkontinental

Ang isang bansang transkontinental ay isang bansa na kasapi sa higit na isang kontinente. Maaaring magkakaiba ang kahulugan na ginagamit sa katangian (kahit na purong heograpikal o, sa kabilang banda, pampolitika o ekonomika o kultural na katangian). Marahil, ang Rusya ang pinakamabuting halimbawa,na sa Europa ang sentro ng kasaysayan at gayon din ng karamihan ng populasyon (75%), aktibidad pang-ekonomiya at institusyon pampolitika, sa kabila noon sa heograpiya, matatapuan sa Asya ang karamihan ng teritoryo (75%). Sa karamihan ng mga kahulugan, nakadantay ang Rusya pareho sa Eurasya.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.