Ang Barbican Centre ay ang sentro ng sining-pagganap sa lungsod ng Londres, Reino Unido, at ang pinakamalaking uri nito sa Europa. Ginaganap sa sentrong ito ang mga konsyerto pangmusikang klasiko at makabago, dula, pagpapalabas ng pelikula at ekshibisyon ng sining. Mayroon din itong isang aklatan, tatlong restoran, at isang konserbatoryo. Nakabase sa bulwagang konsyerto nito ang London Symphony Orchestra at BBC Symphony Orchestra, at noong 2013, ito na rin ang naging lugar ng Royal Shakespeare Company para sa kanilang pagtatanghal.

Barbican Centre
AddressSilk Street, London EC2Y 8DS
Londres
Reino Unido
Mga koordinado51°31′13″N 0°05′42″W / 51.5202°N 0.0950°W / 51.5202; -0.0950
May-ariCity of London Corporation
DesignationGrade II listed building
UriSentro ng sining-pagganap
KapasidadBarbican Hall: 1,943
Barbican Theatre: 1,156
The Pit: 200
Construction
Ibinukas1982; 42 taon ang nakalipas (1982)
AkitektoChamberlin, Powell and Bon
Websayt
barbican.org.uk

Ang Barbican Centre ay pagmamay-ari ng City of London Corporation, na siya ding nagpopondo at nangangalaga dito. Itinayo ito bilang regalo ng Lungsod sa bansang Britanya sa halagang £161 million at opisyal na binukas sa publiko ni Reyna Elizabeth II noong 3 Marso, 1982.

Ang Wikimania na siyang pinakamalaking pandaigdigang gawain ng Pundasyong Wikimedia ay papangasiwaan sa sentrong ito sa darating na Agosto.