Apostol Bartolome

(Idinirekta mula sa Bartolome ang Alagad)

Si San Bartolome ay isang santo ng Romano Katoliko na naging kasama sa labindalawang alagad ni Hesus. Siya ang kaibigang hinikayat ni Felipe ng Betsaida, para maging isa rin sa mga orihinal na alagad ni Hesukristo. Natanael[1] (Nataniel, Nathaniel, o Nathanael din) ang kaniyang dating pangalan, na anak ni Tal Mai (o Bar Talmai sa Hebreo). Pinaniniwalaang nagmula sa Bar Talmai ang katawagang Bartolome (Bartholomew sa Ingles), na naging bagong pangalan ni Natanael nang maging alagad siya ni Hesus.[2]

Isang detalye mula sa Ang Huling Paghuhukom ni Michelangelo Buonarroti, na nasa Kapilyang Sistine. Ipinakikita rito si San Bartolome na hawak ang panghiwa na naging dahilan ng kaniyang pagkamartir. Tangan din ni San Bartolome ang balat na tinalop mula sa kaniyang katawan. Sa dibuhong ito, ang mukhang nasa balat ni San Bartolome ay kay Michelangelo.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Abriol, Jose C. (2000). "Natanael, si Bartolome". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), talababa 45, pahina 1560.
  2. "Bartholomew, The Apostles, pahina 333". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Santo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.