Bartolomeo Scappi
Si Bartolomeo Scappi (c. 1500 - 13 Abril 1577) ay isang tanyag na chef ng Renasimiyentong Italyano. Ang kaniyang pinagmulan ay naging paksa ng haka-haka, ngunit ipinakita ng kamakailang pagsasaliksik na siya ay nagmula sa bayan ng Dumenza sa Lombardy, ayon sa inskripsiyon sa isang plakeng bato sa simbahan ng Luino.[1] Bago ito, ang unang alam na katotohanan sa kaniyang buhay ay noong Abril 1536 na nag-organisa siya ng isang piging habang siya ay nasa serbisyo ni Kardinal Lorenzo Campeggio.[2] Nagsilbi siya ng maraming iba pang kardinal pagkatapos nito, at matapos ay nagsimulang magsilbi sa papa na si Pio IV, sa kusina ng Vaticano. Nagpatuloy siyang nagtatrabaho bilang isang chef para sa papa na si Pio V. Si Scappi ay madalas na itinuturing na isa sa mga unang kilalang tanyag na chef sa buong mundo.
Nagtamo siya ng katanyagan noong 1570 nang mailathala ang kanyang dakilang libro sa pagluluto, Opera dell'arte del cucinare. Sa libro, naglista siya ng mga 1000 recipe ng Rensimiyentong lutuin at inilarawan ang mga diskarte at tool sa pagluluto, na nagbibigay ng unang kilalang larawan ng isang tinidor.[3] Inihayag niya na ang Parmesan ay ang pinakamahusay na keso sa mundo,[4] at nabanggit na "ang atay ng [isang] domestikong gansa na inalagaan ng mga Hudyo ay may matinding laki at may bigat [sa pagitan ng] dalawa at tatlong libra",[5] nagpapahiwatig na Ang mga Hudyo noong panahon ay nagsasanay ng labis na pagpapakain na kinakailangan upang makabuo ng foie gras. Ang mga muling paglathala ng Opera ay patuloy mula 1570 hanggang 1643.[6]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ (Riley 2007) .
- ↑ Coquinaria – An Italian recipe from the sixteenth century Naka-arkibo 2020-10-24 sa Wayback Machine. URL accessed 31 December 2006.
- ↑ (Rolland 2006) .
- ↑ (Rolland 2006) .
- ↑ (Ginor 1999) .
- ↑ (Levillain 2002) .