Basilika ni Santa Maria la Mayor

Ang Basilika ni Santa Maria la Mayor (sa Italyano: Basilica Papale di Santa Maria Maggiore, sa Latin: Basilica Sanctae Mariae Maioris) ay isa sa apat na Pangunahing Basilika ng Roma. Ito ang pinakamalaking simbahan sa Roma, kung saan ito ay dedikado kay Santa Maria, bagkus ayon nga sa pang-uri nitong "mayor", na naglalarawan sa laki nito. Ito rin ay kilala bilang ang Basilikang Liberyan, mula kay Papa Liberio, o kaya naman, bilang ang Basilikang Sicinini, mula kay Papa Sixto III. Sinasabing ito rin ang lagakan ng mga reliko ng sabsaban ng Pasko ng Kapanganakan ni Hesukristo, apat na kahoy ng sikamore na dinala roon noong kapanahunan ni Papa Teodoro I, kung kaya't tinawag rin ito bilang Santa Maria ng Sabsaban.

Ang Basilika ni Santa Mariang Mayor ay ang pinakamalaking simbahan sa Roma na dedikado kay Santa Mariang Birhen.

Ayon sa Kasunduang Laterano, ang basilika, na nasa teritoryong Italyano, ay pagmamay-ari ng Banal na Sede at nagtataglay ng estadong extrateritoryal, tulad ng sa mga dayuhang embahada. Ito ay binabantayan ng mga ahente ng Estado ng Lungsod ng Batikano, hindi ng Polisyang Italyano.

Kasaysayan

baguhin

Pinaniniwalaan na ang kasalukuyang simbahan ay itinayo noong pontipikato ni Papa Sixto III (PK 432 - 440). Ipinapakita ng dedikadong tatak na ito sa arkong matangloy, Sixtus Episcopus plebi Dei, o sa Ingles ay "Si Sixto, ang Obispo, para sa mga Tao ng Diyos", ang mga kontribusyon ng Papa sa pagpapatayo nito. Sinasabi rin na nag-atas ng mga malawakang pagpapatayo ng mga gusali sa lungsod ang Papa, na ipinagpatuloy ng sumunod sa kanya na si Papa Leo I Magno.