Basilika ng San Francesco, Ravenna

Ang Basilika ng San Francesco ay isang pangunahing simbahan sa Ravenna. Ito ay unang itinayo noong 450 ni Neo, obispo ng Ravenna, at alay kanila San Pedro at San Pablo. Nang maglaon ay kilala rin ito bilang Simbahan ng mga Apostol (Chiesa degli Apostoli). Sa ikalawang kalahati ng ika-9 na siglo at sa paglipas ng ika-10 siglo, ang naunang simbahan ay giniba upang magtayo ng isang mas malaki at isang matangkad na kampanaryo, na kapwa nananatili. Ang bagong simbahan na ito ay alay kay San Pedro at pinangalanang San Pietro Maggiore. Ibinigay ang pangangasiwa nito sa mga Franciscano noong 1261 at muling inialay kay Francisco ng Assisi.[1]

Patsada ng simbahan.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Wladimiro Bendazzi, Riccardo Ricci, Ravenna. Guida alla conoscenza della città. Mosaici arte storia archeologia monumenti musei, Ravenna, Edizioni Sirri, 1992, ISBN 88-86239-00-9.