Basketbol

team sport nilalaro sa isang panloob na court na may basket sa magkabilang dulo
(Idinirekta mula sa Basketball (Street Basketball))

Ang basketbol ay isang larong pampalakasan na binubuo ng dalawang koponan ng limang manlalaro bawat isa. Layunin ng laro na maihulog ang bola sa net na may sukat na 18 pulgada (46 cm) diyametro at may taas na 10 talampakan (3.0 m) na nakasabit sa backboard sa bawat dulo. Isa ang basketbol sa pinakatanyag at pinapanood na laro sa daigdig.[1]

Basketbol
Si Michael Jordan, idinadakdak ang bola
Pinakamtaas na lupong tagapamahalaFIBA
Unang nilaro1891, Springfield, Massachusetts, (USA)
Mga katangian
PakikipagsalamuhaContact
Mga kasapi ng koponan12 to 15 (5 at a time)
Magkakahalong kasarianSingle
KategoryaIndoor o Outdoor
BolaBasketball
Olimpiko1936

Ang isang koponan ay makakapuntos ng isang field goal sa paghulog ng bola sa basket habang naglalaro. Ang field goal ay may dalawang puntos para sa koponang nakahulog ng bola kung ang manlalaro ay nasa o malapit sa basket kaysa sa linya ng tatlong puntos, at ang tatlong puntos (higit na kilala bilang 3 pointer) kung ang manlalaro ay makapuntos sa labas ng linyang ito. Ang koponang may pinakamaraming puntos sa pagtatapos ng laro ay mananalo, subalit maaaring magdagdag ng oras (overtime) kung naging tabla ang puntos. Maaaring isulong ang bola sa loob ng kort sa pamamagitan ng pagtalbog nito habang naglalakad, tumatakbo o sa pagpasa sa kakoponan.

Simula naimbento ang laro sa Springfield, Massachusetts sa Estados Unidos noong 1891, sumulong ito bilang isang tunay na pandaigdigang palakasan. Nagsimula ang mga organisadong paliga sa YMCA; nabuo ang mga naunang liga sa mga kolehiyo. Sa kalaunan, naging palakasang propesyunal ang basketbol. Kahit na isang pampalakasang Amerikano sa una, mabilis na kumalat sa mundo at makikita ang mga kilalang manlalaro at koponan sa ngayon sa buong mundo.

Mga sanggunian

baguhin


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Palakasan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  1. Griffiths, Sian (Setyembre 20, 2010). "The Canadian who invented basketball". BBC News. Nakuha noong Setyembre 14, 2011.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)