Basung (astronomiya)

Mga koordinado: Mapang panlangit 04h 28m 17s, +15° 45′ 40″

Ang Basung, na kilala rin sa tawag na Hyades sa wikang Ingles,[1] ay isang bukas na klaster ng mga bituin at isa sa mga pinakanaaral nang mga kumpol ng bituin na may layong 153 sinag-taon (o 47 parsec) mula sa sistemang solar.[2][3][4][5] Binubuo ito ng halos pabilog na pangkat ng daan-daang mga bituing may pare-parehong tanda, pinagmulan, kemikal na katangian, at pagkilos sa kalawakan.[6][7] Sa perspektibo ng mga mga nagmamasid mula sa Daigdig, matatagpuan ang Basung sa talampad ng Taurus, kung saan ang pinakamaliliwanag nitong mga bituin ay bumubuo ng hugis "V" kasama ang mas maliwanag pang bituin ng Aldebaran. Gayunman, bukod sa mahahanap sa parehong linya ng paningin mula sa Daigdig, walang direktang pisikal na kaugnayan ang Aldebaran sa mismong Basung.

Larawan ng mga bituing bumubuo sa Basung
Ang puwesto ng Basung (asul na pana) sa talampad ng Taurus. Pansinin ang mala-"V" na hugis

Naubos na ng lima sa pinakamaliwanag na mga bituing bumubuo sa Basung ang kanilang panggatong na idrohino sa kanilang kaibuturan at nasa proseso na ng pagiging higanteng bituin.[8] Ang isa sa limang ito, ang Epsilon Tauri o Ain ("mata ng toro" sa wikang Arabo), ay maaaring nagtataglay ng isang higanteng gaas na exoplanet,[9] na kung makumpirma, ay isa sa pinakaunang mga planetang matatagpuan sa anumang bukas na klaster ng mga bituin.

Tinatayang nasa 625 milyong taong gulang na ang edad ng Basung.[10] Ang ubod ng klaster, kung saan pinakasiksik ang mga bituin, ay may radius na 8.8 sinag-taon (2.7 parsec) habang ang tidal radius naman o hangganan nito kung saan mas nagiging mapagpasya na ang grabidad ng pumapalibot na galaksiya ng Ariwanas ay umaabot sa 33 sinag-taon (10 parsec).[11] Subalit, sangkatlo ng mga kumpirmadong kasapi ng klaster ay matatagpuan lampas ng layong ito, sa ekstensyon ng kapaligiran ng klaster, na maaaring nasa proseso pa lang ng paglisan mula sa batawang grabidad nito.[12]

Layo, lokasyon, at pagkilos

baguhin
 
Tsart ng mga bituin ng Basung (o Hyades)

Batay sa pagsukat ng parallax at sa paghahambing ng kulay ng mga bituin ng kumpol na ito sa pamantayang modelo ng Hertzsprung-Russell diagram, natukoy na ang gitna ng Basung ay may layong 153 sinag-taon (47 parsec) mula sa sistemang solar.[13][14][15][16] Wala namang direktang pisikal na kinalaman ang Basung sa mga kanugnog na klaster nito na Moroporo at "sapa" ng Ursa Major, na maaari ring makita nang walang largabista o teleskopyo sa malinaw na madilim na kalangitan.

Apat sa limang pinakamaliliwanag na bituin ng Basung (ang Gamma, Delta1, Epsilon, at Theta Tauri) ay bumubuo sa asterismong tinatawag na "ulo" ng talampad na toro na Taurus.[17] Ang Theta Tauri naman, ay sa katunayan, isang binary star system, o binubuo ng dalawang halos magkalapit na bituin: ang Theta1 Tauri at ang mas maliwanag na Theta2 Tauri.

Kapareho rin ng Basung ng tanda, antas ng bakal (metalisidad), at katangian ng pagkilos ang mas malayong kumpol ng Praesepe, habang ang direksyon ng kanilang pagkakatilapon ay maaaring maibalik sa parehong puwesto sa kalawakan, patunay na mayroon silang parehong pinagmulan.[18][19]

 
Tsart na nagpapakita ng wastong pagkilos ng mga bituin ng Basung (Hyades) at ang pinagmulang puwesto ng mga bituin na ito. Ang x-axis ay ang tuwid na pagtaas o right ascension (RA), habang ang y-axis ay ang pagbaba o deklinasyon

Kasaysayan ng pagmamasid at kaugnay na mga mitolohiya

baguhin
 
Ang Basung ("Hyaden") sa iskematikong dayagram ng Tal-Qadi Sky Tablet na binuo mga 6,500 taon na ang nakalilipas

Kilala na ang Basung ng mga tao simula pa ng mga panahong pre-historiko.[20] Katuwang ang isa pang klaster, ang Moroporo, binubuo ng Basung ang "gintuang tarangkahan ng ekliptik" na ginagamit ng mga sinaunang astronomo bilang pananda ng pagbabago ng panahon.[21] Para sa mga sinaunang mamamayang Jama-Mapun ng Tawi-Tawi, tinatawag nila itong "Basung"[22] na isang basong ginagamit sa isang uri ng kanilang ritwal.[23] Para naman sa mitolohiya ng mga sinaunang Griyego, ang mga bituin na tinatawag nilang Hyades ay ang limang anak na babae ng titan na si Atlas at kalahating-kapatid ng mga Pleiades.[24] Makailang-ulit din itong nabanggit sa kanilang klasikal na panitikan, mula kay Homer hanggang kay Ovid.[20] Sa ika-18 aklat ng Iliad, ang mga bituin ng Hyades ay kabilang sa mga bituing inilagay ng diyos na si Hephaistos sa kalasag na binuo niya para kay Achilles.[25] Sa Inglatera naman, kilala ang klaster na ito bilang "mga tagapag-ulan ng Abril" dahil sa kaugnayan ng mga bituing ito sa pag-uulang nagaganap sa buwan na iyon.[26]

Sa modernong astronomiya, unang naitala ang Basung ng astronomong si Giovanni Battista Hodierna noong 1654 at kamakaila'y naisama na rin sa iba't ibang talaan o atlas ng mga bituin sa mga sumunod na dantaon. Gayunman, sa hindi matukoy na dahilan, hindi ito isinama ng astronomong si Charles Messier sa kanyang katalogo noong 1781.[20] Noong 1869 naman, unang napansin ng astronomong si R.A. Proctor na pare-pareho ang direksyong ikinikilos ng mga bituin ng Basung sa kalawakan.[27] Noong 1908 naman, naiguhit naman ng astronomong si Lewis Boss ang dinaanan ng pagkilos ng mga bituin ng Basong pabalik sa isang lokasyon ng kanilang pinagmulan.[28] Pagsapit ng 1920s, tanggap na ng mga astronomo na ang Basung at kumpol ng Praesepe ay may parehong pinagmulan.[29]

Istruktura at ebolusyon

baguhin

Lahat ng mga bituin ay nabubuo sa mga kumpol bagaman karamihan sa mga klaster ay nagkakawatak-watak ng hindi hihigit sa 50 milyong taon matapos ang proseso ng pagkakabuo ng mga bituin, isang penomenong tinatawag na "pagsingaw."[30] Ang mga klaster na may napakataas na masa lamang, yaong mga umiinog malayo mula sa gitna ng isang galaksiya, ang maaaring hindi malusaw kahit sa paglipas ng mas mahahabang panahon.[31] Isa na rito ang Basung, na maaaring nagtaglay ng mas maraming bituin noong kabataan pa nito. Tinatayang ang orihinal na kabuuang masa ng Basung ay sumasaklaw sa mula 800 hanggang 1,600 beses na mas malaki kumpara sa masa ng araw.[32][33]

Mga populasyon ng bituin

baguhin

Sa isang kumpol ng mga bituin na may edad na 625 milyong taon, naglalaho ang mga main-sequence na bituin nito sa masang 2.3 beses na mas malaki sa masa ng Araw, kung kaya ang anumang mga mabibigat na bituin sa klaster ay malamang na naging sub-higante, higante, o puting unano (white dwarf) na, habang ang mga bituing may di kasing-bigat na masa ay tuloy-tuloy na gagatong ng idrohino at mananatiling nasa main-sequence.[34] Batay sa malawakang pagsisiyasat, may 8 puting unano sa kaibuturan ng kumpol,[35] na indikasyon na nasa huling bahagi na ng kanilang buhay ang orihinal na populasyon ng mga bituin ng Basung na may uring "B" (na bawat isa ay may masang 3 beses na mas malaki sa Araw).[36] Kinakatawan naman ng apat na pulang higanteng bituin (red giant) ng klaster ang una sa huling yugto ng buhay ng isang bituin; ang uring spektral nila ay K0 III, bagaman lahat sila ay "retiradong bituing A" na may masang 2.5 beses na mas malaki sa Araw.[37][38][39] Ang primaryang bituin ng binary system ng Theta Tauri, ay isa namang "puting higanteng bituin" na may uring spektral na A7 III.[40][41] Ang nalalabing populasyon naman ng kumpol ay kinabibilangan ng maraming maliwanag na bituing may uring spektral na "A" (di bababa sa 21 bituin); "F" (mga 60 bituin), at "G" (mga 50 bituin).[42][43] Lahat ng mga uri ng bituing ito ay nakakonsentra sa loob ng tidal radius ng Basung.[44]

Sa kabilang banda, ang populasyon naman ng mga bituin ng Basung na may mabababang masa at uring spektral na "K" at "M" ay hindi pa lubusang nauunawaan kahit na relatibong malapit lang ang mga ito sa sistemang solar at matagal nang minamanmanan. Hindi bababa sa 48 bituin ang kabilang sa uring "K" na kumpirmadong kasapi ng Basung habang may mga isang dosenang unanong bituin naman ang kabilang sa uring "M".[45][46][47] May mga iminungkahing dagdag na unanong bituing "M" na maaaring kasapi ng klaster subalit mayroon lamang na 12 kayumangging unano (brown dwarf) an naiulat.[48][49][50] Ang mababang bilang na ito ng naturang uri ng bituin ay malayong napakakaunti kumpara sa 239 na kaparehong uri ng bituin na matatagpuan sa layong 10 parsec mula sa bisinidad ng sistemang solar at 76% ng mga kanugnog na bituin nito.[51]

Ang naobserbahang distribusyon ng mga uri ng bituin sa Basung ay nagpapakita na may kasaysayan ito ng paghihiwa-hiwalay ng mga bituin batay sa kani-kanyang masa. Maliban sa mga puting unano nito, ang mga bituing umiiral sa loob ng dalawang parsec mula sa gitna ng Basung ay yaong lang na mga may masang hindi bababa sa masa ng Araw.[52] Ang makitid na konsentrasyon ng mabigat-bigat na mga bituing ito ang siyang nagbibigay sa pangkabuuang istruktura ng Basung: may kaibuturan ito ng maliwanag na mga bituin at isang bilugang sinag ng mas kalat na mga bituin. Ang radius ng kaibuturan nito ay 2.7 parsec (o 8.8 sinag-taon) habang ang tidal radius nito na 10 parsec (o ~33 sinag-taon) ang hangganan ng grabidad ng Basung kung saan mananatiling umiinog ang bituin nito sa palibot ng kaibuturan nito.[53][54]

Ebolusyon sa hinaharap

baguhin

Ayon sa mga pagsusuri, 90% ng mga bukas na klaster ay nalulusaw sa loob ng 1 bilyong taon matapos nilang mabuo, habang may maliit lamang na bahagdan ang nagtatagal nang kasing-edad ng sistemang Solar (o 4.6 bilyong taon).[55] Sa susunod na ilang daang milyong taon, tuloy-tuloy na mababawasan ng masa at kasaping bituin ang Basung habang ang mga pinakamaliwanag nitong mga bituin ay magtatapos na sa pagiging main sequence at ang mga pinakamalimlim nitong mga bituin ay hindi na makaaambag pa sa liwanag ng kabuuang sinag nito. Sa huli, may matitirang labi na lang ito ng mga ila-ilang dosenang mga sistema ng mga bituin na karamiha'y binary o multiple star system na mananatiling bulnerable sa mga umiiral na pwersang nagdudulot sa paghihiwa-hiwalay ng mga bituin ng klaster sa isa't isa.[55]

Pinakamaliliwanag na mga bituin

baguhin
 
Mapa ng mga pinakamaliliwanag na bituin sa kaibuturan ng Basung

Narito sa ibaba ang talahanayan ng mga kasapi ng Basung na may maliwanag na kalakhang may ikaapat na magnitud o mas maliwanag pa:[56]

Mga pinakamaliliwanag na bituin ng Basung
Pangalan (Designasyong Bayer) Designasyong Henry Draper (HD) Liwanag na kalakhan Uring stellar
Theta2 Tauri 28319 3.398 A7III
Epsilon Tauri 28305 3.529 K0III
Gamma Tauri 27371 3.642 G8III
Delta1 Tauri 27697 3.753 G8III
Theta1 Tauri 28307 3.836 G7III
Kappa Tauri 27934 4.201 A7IV-V
90 Tauri 29388 4.262 A6V
Upsilon Tauri 28024 4.282 A8Vn
Delta2 Tauri 27962 4.298 A2IV
71 Tauri 28052 4.480 F0V

Mga sanggunian

baguhin
  1. "BALATIK: Katutubong Bituin ng mga Pilipino | Philippine Social Sciences Review" (sa wikang Ingles). {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)
  2. Perryman, M.A.C.; atbp. (1998). "The Hyades: distance, structure, dynamics, and age". Astronomy & Astrophysics. 331: 81–120. arXiv:astro-ph/9707253. Bibcode:1998A&A...331...81P.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. van Leeuwen, F. "Parallaxes and proper motions for 20 open clusters as based on the new Hipparcos catalogue", A\&A, 2009
  4. Majaess, D.; Turner, D.; Lane, D.; Krajci, T. "Deep Infrared ZAMS Fits to Benchmark Open Clusters Hosting delta Scuti Stars", Journal of the American Association of Variable Star Observers, 2011
  5. McArthur, Barbara E.; Benedict, G. Fritz; Harrison, Thomas E.; van Altena, William "Astrometry with the Hubble Space Telescope: Trigonometric Parallaxes of Selected Hyads", AJ, 2011
  6. Perryman, M.A.C.; atbp. (1998). "The Hyades: distance, structure, dynamics, and age". Astronomy & Astrophysics. 331: 81–120. arXiv:astro-ph/9707253. Bibcode:1998A&A...331...81P.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Bouvier J, Kendall T, Meeus G, Testi L, Moraux E, Stauffer JR, James D, Cuillandre J-C, Irwin J, McCaughrean MJ, Baraffe I, Bertin E. (2008) Brown dwarfs and very low mass stars in the Hyades cluster: a dynamically evolved mass function. Astronomy & Astrophysics, 481: 661-672. Abstract at http://adsabs.harvard.edu/abs/2008A%26A...481..661B.
  8. Jim Kaler. "Hyadum I". Jim Kaler's Stars. Nakuha noong 29 Oktubre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Sato B, Izumiura H, Toyota E, et al. (2007) A planetary companion to the Hyades giant Epsilon Tauri. Astrophysical Journal, 661: 527-531. Abstract at http://adsabs.harvard.edu/abs/2007ApJ...661..527S.
  10. Perryman, M.A.C.; atbp. (1998). "The Hyades: distance, structure, dynamics, and age". Astronomy & Astrophysics. 331: 81–120. arXiv:astro-ph/9707253. Bibcode:1998A&A...331...81P.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Perryman, M.A.C.; atbp. (1998). "The Hyades: distance, structure, dynamics, and age". Astronomy & Astrophysics. 331: 81–120. arXiv:astro-ph/9707253. Bibcode:1998A&A...331...81P.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Perryman, M.A.C.; atbp. (1998). "The Hyades: distance, structure, dynamics, and age". Astronomy & Astrophysics. 331: 81–120. arXiv:astro-ph/9707253. Bibcode:1998A&A...331...81P.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Perryman, M.A.C.; atbp. (1998). "The Hyades: distance, structure, dynamics, and age". Astronomy & Astrophysics. 331: 81–120. arXiv:astro-ph/9707253. Bibcode:1998A&A...331...81P.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. van Leeuwen, F. "Parallaxes and proper motions for 20 open clusters as based on the new Hipparcos catalogue", A\&A, 2009
  15. Majaess, D.; Turner, D.; Lane, D.; Krajci, T. "Deep Infrared ZAMS Fits to Benchmark Open Clusters Hosting delta Scuti Stars", Journal of the American Association of Variable Star Observers, 2011
  16. McArthur, Barbara E.; Benedict, G. Fritz; Harrison, Thomas E.; van Altena, William "Astrometry with the Hubble Space Telescope: Trigonometric Parallaxes of Selected Hyads", AJ, 2011
  17. Jim Kaler. "Hyadum I". Jim Kaler's Stars. Nakuha noong 29 Oktubre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Dobbie, PD; Napiwotzki, R; Burleigh, MR; atbp. (2006). "New Praesepe white dwarfs and the initial mass-final mass relation". Monthly Notices of the Royal Astronomical Society. 369 (1): 383–389. arXiv:astro-ph/0603314. Bibcode:2006MNRAS.369..383D. doi:10.1111/j.1365-2966.2006.10311.x. S2CID 17914736.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "Messier Object 44". SEDS. 2007-08-25. Nakuha noong 2012-12-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. 20.0 20.1 20.2 "The Hyades, Mel 25". www.messier.seds.org. Nakuha noong 2023-08-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Rappenglück, Michael A. (1999-01-01). "Palaeolithic Timekeepers Looking At The Golden Gate Of The Ecliptic; The Lunar Cycle And The Pleiades In The Cave Of La-TETe-Du-Lion (Ardéche, France) – 21,000 BP". Earth, Moon, and Planets (sa wikang Ingles). 85 (0): 391–404. doi:10.1023/A:1017069411495. ISSN 1573-0794.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "BALATIK: Katutubong Bituin ng mga Pilipino | Philippine Social Sciences Review" (sa wikang Ingles). {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)
  23. https://www.researchgate.net/publication/317544004_Star_Catalogues_and_Star_Maps_in_the_Context_of_Philippine_Ethnoastronomy
  24. "HYADES - Star Nymphs of Greek Mythology". www.theoi.com. Nakuha noong 2023-08-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. Homer. The Iliad. Isinalin ni Richmond Lattimore. Palimbagan ng Unibersidad ng Chicago, 1951.
  26. Rose, Herbert Jennings (2015-12-22), "Hyades, 'the Rainers'", Oxford Research Encyclopedia of Classics (sa wikang Ingles), doi:10.1093/acrefore/9780199381135.001.0001/acrefore-9780199381135-e-3179;jsessionid=1d597e99976782668944ab7d10779b13, ISBN 978-0-19-938113-5, nakuha noong 2023-08-15{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. Zuckerman, B.; Song, Inseok (2004-09-22). "Young Stars Near the Sun". Annual Review of Astronomy and Astrophysics (sa wikang Ingles). 42 (1): 685–721. doi:10.1146/annurev.astro.42.053102.134111. ISSN 0066-4146.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. "Moving Cluster Method". pages.uoregon.edu. Nakuha noong 2023-08-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. "Adams et al., Praesepe Star Cluster". doi:10.1086/342016/fulltext/202095.text.html. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)
  30. Lada, CJ; Lada, EA (2003). "Embedded clusters in molecular clouds". Annual Review of Astronomy & Astrophysics. 41: 57–115. arXiv:astro-ph/0301540. Bibcode:2003ARA&A..41...57L. doi:10.1146/annurev.astro.41.011802.094844. S2CID 16752089.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  31. Pavani, DB; Bica, E (2007). "Characterization of open cluster remnants". Astronomy & Astrophysics. 468 (1): 139–150. arXiv:0704.1159. Bibcode:2007A&A...468..139P. doi:10.1051/0004-6361:20066240. S2CID 11609818.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. Weideman V, Jordan S, Iben I, Casertano S. (1992) White dwarfs in the halo of the Hyades Cluster – The case of the missing white dwarfs. Astronomical Journal, 104: 1876-1891. 1992AJ....104.1876W.
  33. Kroupa, P; Boily, CM (2002). "On the mass function of star clusters". Monthly Notices of the Royal Astronomical Society. 336 (4): 1188–1194. arXiv:astro-ph/0207514. Bibcode:2002MNRAS.336.1188K. doi:10.1046/j.1365-8711.2002.05848.x. S2CID 15225436.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. Weideman V, Jordan S, Iben I, Casertano S. (1992) White dwarfs in the halo of the Hyades Cluster – The case of the missing white dwarfs. Astronomical Journal, 104: 1876-1891. 1992AJ....104.1876W.
  35. Böhm-Vitense E. (1995) White dwarf companions to Hyades F stars. Astronomical Journal, 110: 228-231. Abstract at http://adsabs.harvard.edu/abs/1995AJ....110..228B.
  36. Weideman V, Jordan S, Iben I, Casertano S. (1992) White dwarfs in the halo of the Hyades Cluster – The case of the missing white dwarfs. Astronomical Journal, 104: 1876-1891. 1992AJ....104.1876W.
  37. Sato B, Izumiura H, Toyota E, et al. (2007) A planetary companion to the Hyades giant Epsilon Tauri. Astrophysical Journal, 661: 527-531. Abstract at http://adsabs.harvard.edu/abs/2007ApJ...661..527S.
  38. Torres, G; Stefanik, RP; Latham, DW (1997). "The Hyades binaries Theta1 Tauri and Theta2 Tauri: The distance to the cluster and the mass-luminosity relation". Astrophysical Journal. 485 (1): 167–181. Bibcode:1997ApJ...485..167T. doi:10.1086/304422.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. Johnson JA, Fischer D, Marcy GW, Wright JT, Driscoll P, Butler RP, Hekker S, Reffert S, Vogt SS. (2007a) Retired A stars and their companions: Exoplanets orbiting three intermediate-mass subgiants. Astrophysical Journal, 665: 785-793. Abstract at http://adsabs.harvard.edu/abs/2007ApJ...665..785J.
  40. Torres, G; Stefanik, RP; Latham, DW (1997). "The Hyades binaries Theta1 Tauri and Theta2 Tauri: The distance to the cluster and the mass-luminosity relation". Astrophysical Journal. 485 (1): 167–181. Bibcode:1997ApJ...485..167T. doi:10.1086/304422.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. Armstrong, JT; Mozurkewich, D; Hajian, AR; atbp. (2006). "The Hyades binary Theta2 Tauri: Confronting evolutionary models with optical interferometry". Astronomical Journal. 131 (5): 2643–2651. Bibcode:2006AJ....131.2643A. CiteSeerX 10.1.1.1000.4076. doi:10.1086/501429. S2CID 6268214.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  42. Perryman, M.A.C.; atbp. (1998). "The Hyades: distance, structure, dynamics, and age". Astronomy & Astrophysics. 331: 81–120. arXiv:astro-ph/9707253. Bibcode:1998A&A...331...81P.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  43. Böhm-Vitense, E (2007). "Hyades morphology and star formation". Astronomical Journal. 133 (5): 1903–1910. Bibcode:2007AJ....133.1903B. doi:10.1086/512124.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  44. Research Consortium on Nearby Stars (RECONS). Ten-parsec census at http://joy.chara.gsu.edu/RECONS/census.posted.htm.
  45. Perryman, M.A.C.; atbp. (1998). "The Hyades: distance, structure, dynamics, and age". Astronomy & Astrophysics. 331: 81–120. arXiv:astro-ph/9707253. Bibcode:1998A&A...331...81P.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  46. Böhm-Vitense, E (2007). "Hyades morphology and star formation". Astronomical Journal. 133 (5): 1903–1910. Bibcode:2007AJ....133.1903B. doi:10.1086/512124.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  47. Endl, M; Cochran, WD; Kurster, M; Paulson, DB; Wittenmyer, RA; MacQueen, PJ; Tull, RG (2006). "Exploring the frequency of close-in Jovian planets around M dwarfs". Astrophysical Journal. 649 (1): 436–443. arXiv:astro-ph/0606121. Bibcode:2006ApJ...649..436E. doi:10.1086/506465. S2CID 14461746.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  48. Bouvier J, Kendall T, Meeus G, Testi L, Moraux E, Stauffer JR, James D, Cuillandre J-C, Irwin J, McCaughrean MJ, Baraffe I, Bertin E. (2008) Brown dwarfs and very low mass stars in the Hyades cluster: a dynamically evolved mass function. Astronomy & Astrophysics, 481: 661-672. Abstract at http://adsabs.harvard.edu/abs/2008A%26A...481..661B.
  49. Stauffer, JR; Balachandran, SC; Krishnamurthi, A; Pinsonneault, M; Terndrup, DM; Stern, RA (1997). "Rotational velocities and chromospheric activity of M dwarfs in the Hyades". Astrophysical Journal. 475 (2): 604–622. Bibcode:1997ApJ...479..776S. doi:10.1086/303930.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  50. Hogan E, Jameson R F, Casewell SL, Osbourne, SL, Hambly NC. (2008) L dwarfs in the Hyades. Monthly Notices of the Royal Astronomical Society, 388 (2) 495-499. Abstract at http://adsabs.harvard.edu/abs/2008MNRAS.388..495H.
  51. Research Consortium on Nearby Stars (RECONS). Ten-parsec census at http://joy.chara.gsu.edu/RECONS/census.posted.htm.
  52. Perryman, M.A.C.; atbp. (1998). "The Hyades: distance, structure, dynamics, and age". Astronomy & Astrophysics. 331: 81–120. arXiv:astro-ph/9707253. Bibcode:1998A&A...331...81P.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  53. Perryman, M.A.C.; atbp. (1998). "The Hyades: distance, structure, dynamics, and age". Astronomy & Astrophysics. 331: 81–120. arXiv:astro-ph/9707253. Bibcode:1998A&A...331...81P.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  54. Weideman V, Jordan S, Iben I, Casertano S. (1992) White dwarfs in the halo of the Hyades Cluster – The case of the missing white dwarfs. Astronomical Journal, 104: 1876-1891. 1992AJ....104.1876W.
  55. 55.0 55.1 Pavani, DB; Bica, E (2007). "Characterization of open cluster remnants". Astronomy & Astrophysics. 468 (1): 139–150. arXiv:0704.1159. Bibcode:2007A&A...468..139P. doi:10.1051/0004-6361:20066240. S2CID 11609818.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  56. Röser, S.; atbp. (Hulyo 2011), "A deep all-sky census of the Hyades", Astronomy & Astrophysics, bol. 531, p. 15, arXiv:1105.6093, Bibcode:2011A&A...531A..92R, doi:10.1051/0004-6361/201116948, A92. In the Vizier catalogue, sort on Vmag using '<4.51'. See also the linked entries in the All-sky Compiled Catalogue of 2.5 million stars (Kharchenko+ 2009).{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: postscript (link)