Batas Cooper

Batas Cooper o mas kilala sa tawag na Batas ng Pilipinas ng 1902

Ang Batas Cooper o mas kilala sa tawag na Batas ng Pilipinas ng 1902 (english: Philippine Bill of 1902 o Philippine Organic Act (1902)) ay isang batas na ipinatupad ng Estados Unidos sa Pilipinas noong 1902. Ipinagtibay ito noong 2 Hulyo 1902. Ito ay nagtakda ng pagbibigay ng mga karapatan sa malayang pananalita at pagpapahayag, kalayaang huwag mabilanggo dahil sa pagkakautang,pagiging pantay-pantay sa harap ng batas at kalayaan mula sa pagkaalipin.Ayon din sa Katipunan ng Karapatan, dalawang Pilipino na kasapi sa komisyon ang maaaring ipadala bilang kinatawan ng Pilipinas sa Kongreso ng Estados Unidos.

Sa bisa ng batas na ito, itinatag ang Asamblea o Batasan ng Pilipinas. Noong Hulyo 30,1907 ginanap ang halalan at ang pagpapasinaya ay ginanap noong Oktubre 16,1907 sa Grand Opera House. Naging speaker si Sergio Osmeña at si Manuel L. Quezon naman ang pinuno ng higit na nakararaming kasapi. Nahirang din sina Benito Legarda, Sr. at Pablo Ocampo bilang kinatawan ng Pilipinas sa Kongreso ng Estados Unidos.

Nagsilbi itong saligang batas sa Pilipinas sa ilalim ng pananakop ng Estados Unidos hanggang sa mapalitan ito ng Batas Jones noong 1916.


BatasPilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Batas at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.