Batas ni Ohm
Ang batas ni Ohm ay nagsasaad na ang kuryente na dumadaan sa isang konduktor sa pagitan ng dalawang mga punto ay tuwirang proporsiyonal sa diperensiyang potensiyal sa ibayo ng dalawang mga punto. Ito ay nagpapakilala ng konstante ng proposiyonalidad, resistensiya,[1] at inilalarawan ng ekwasyon na :[2]
kung saan ang I ang kuryenteng dumadaan sa konduktor sa mga unit ng ampere, ang V ang diperensiyang potensiyal sa ibayo ng konduktor sa mga unit na volt at ang R ang resistensiya ng konduktor sa mga unit ng ohm. Sa mas spesipiko, ang batas ni Ohm ay nagsasaad na ang R sa ugnayang ito ay hindi nagbabago at hindi nakasalalay sa kuryente.[3]
Ang batas na ito ay ipinangalan sa pisikong Aleman na si George Ohm na sa kanyang treatise na inilimbag noong 1827 ay naglarawan ng mga pagsukat ng nilalapat na boltahe at kuryenteng dumadaan sa simpleng mga sirkitong elektrikal na naglalaman ng mga iba ibang haba ng kawad. Kanyang itinanghal ang isang katamtamang mas masalimuot na ekwasyon kesa sa nasa itaas upang ipaliwanag ang mga resulta ng kanyang mga eksperimento. Ang nasa itaas na ekwasyon ang modernong anyo ng batas ni Ohm.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Consoliver, Earl L., and Mitchell, Grover I. (1920). Automotive ignition systems. McGraw-Hill. p. 4.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ Robert A. Millikan and E. S. Bishop (1917). Elements of Electricity. American Technical Society. p. 54.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Oliver Heaviside (1894). Electrical papers. Bol. 1. Macmillan and Co. p. 283. ISBN 0-8218-2840-1.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)