Bawang
Ang bawang (Ingles: garlic) o Allium sativum (L.) ay isang uri ng halamang gulay na ginagamit sa pagluluto.[1] Isa itong uri ng sibuyas[kailangang tiyakin] na nasa pamilyang Alliaceae. Kalapit na kamag-anak nito ang mga sibuyas. Ginagamit na ito sa kabuoan ng kasaysayang nakatala, partikular na sa pagluluto at panggagamot. Mayroon itong maanghang na amoy o lasang nakapagpapabanayad at nakapagpapatamis sa mga lutuin.[2]. Nahahati ang mga kumpol nito sa mga malalamang mga butil (bahaging karaniwang ginagamit). Ginagamit ang mga butil bilang buto, pagkain (hilaw o luto), at para sa panggagamot. Nakakain din ang mga dahon, sanga o tangkay, bulaklak sa ulo at kalimitang kinakain kapag mura at malambot pa. Ang tila mga papel na balot o balat at mga ugat na nakadikit sa mga kumpol ang mga natatanging bahaging hindi nakakain. Nagmumula ang matapang na amoy ng bawang sa nilalaman nitong kompawnd na may sulpur.[3]
Bawang | |
---|---|
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | Plantae |
Klado: | Tracheophytes |
Klado: | Angiosperms |
Klado: | Monocots |
Orden: | Asparagales |
Pamilya: | Amaryllidaceae |
Subpamilya: | Allioideae |
Sari: | Allium |
Espesye: | A. sativum
|
Pangalang binomial | |
Allium sativum |
Bilang halamang-gamot
baguhinPinahahalagahan na ang bawang ng may 5,000 mga taon, sapagkat isa sa mga katangian nito ang kakayahan sa pagpapababa sa antas ng kolesterol ng dugo, kaya't nakapagbabawas ng mga pagkakaroon ng atake sa puso sa mga pasyenteng kardiyako. Isa rin itong estimulante o pampasigla ng sistemang imyuno at gumaganap na antibiyotiko. Hindi gaanong epektibo bilang gamot ang mga inalisan ng amoy na bawang.[3]
Bilang panlaban sa mga impeksiyon, partikular itong epektibo sa mga karamdamang pangbaga, suliraning dihestibo (sa panunaw ng tiyan), at mga impeksiyong dulot ng halamang singaw (fungus). Mainam din ito sa paglaban sa aterosklerosis at pagkakaroon ng trombosis. Nakapagpapaluwang ito ng butas ng mga ugat na daluyan ng dugo na nakapagpapababa ng presyon ng dugo. Nakakatulong din ito sa pagpapanatili ng antas ng asukal sa dugo, kaya't nakatutulong sa mga taong may diyabetes. Bilang pamahid, nagagamit ang mga butil sa mga impeksiyon sa balat at akne. Mas mainam ito kung ginagamit ang sariwang bawang. Sa kasalukuyan, ilan sa mga paghahanda at anyong gamit sa panggamot ang mga bawang na dinurog at pinulbos, nasa loob ng kapsula o "perlas", o pinisa (giniling o piniga).[3]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ English, Leo James, Diksiyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971-91055-0-X
- ↑ Gernot Katzer (2005-02-23). "Spice Pages: Garlic (Allium sativum, garlick)". Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-01-27. Nakuha noong 2007-08-28.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 Ody, Penelope (1993). "Garlic, Allium sativum". The Complete Medicinal Herbal. DK Publishing, Inc.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga link na panlabas
baguhin
Ang lathalaing ito na tungkol sa Halaman at Botanika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.