Ang bawas-perwisyo, pagbawas ng perhuwisyo, o pagbawas ng salanta (Ingles: harm reduction o harm minimisation) ay ang isang kasaklawan ng mga patakarang pang-kalusugang pampubliko na idinisenyo upang makapagbawas ng mga nakasasalantang mga kinahihinatnan na may kaugnayan sa paggamit ng gamot na pangrekreasyon at iba pang mga gawaing mataas ang panganib. Isinulong ang bawas-perhuwisyo bilang isang nakabubuting pananaw na kasabayan ng mas nakaugalian o kumbensiyonal na mga pagharap ng pagbabawas ng pangangailangan at pagbabawas ng napagkukunan.[1]

Maraming mga tagapagtaguyod ang nangangatwiran na ang mga batas na prohibisyunista o nagbabawal ay naglalarawan bilang mga "kriminal" ng mga tao naghihirap mula sa isang karamdaman at nakapagdurulot ng pananalanta o perwisyo. Halimbawa na ang pagbibigay ng obligasyon sa mga taong nalulong sa ipinagbabawal na mga gamot na kumukha ng mga gamot na hindi nalalaman ang kadalisayan ng timpla mula sa mga mapagkukunang labag sa batas at may matataas na mga presyo, na nagpapataas ng panganib ng pagkasobra ng pag-inom at kamatayan.[2] Ang mga mamumuna nito ay nangangambang ang pagpapaubaya ng mapangib at ilegal na mga kaasalan o gawain ay nagpapadala ng isang mensahe sa pamayanan na ang ganitong mga ugali ay katanggap-tanggap.[3][4]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Marlatt, G. Alan (2002). "Highlights of Harm Reduction". Harm Reduction: Pragmatic Strategies for Managing High-Risk Behaviors. Guilford Press. p. 3. ISBN 978-1-57230-825-1. {{cite book}}: Unknown parameter |chapterurl= ignored (|chapter-url= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Inciardi, James A.; Harrison, Lana D. (2000). Harm reduction: national and international perspectives. Thousand Oaks, California: SAGE. pp. vii–viii.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "INCB 2001 Annual Report - Oceania" (PDF). p. 559. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2010-11-25. Nakuha noong 2010-03-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Anger as Vice Girls Get Free Condoms". Nakuha noong 2010-04-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)