Baybaying Amalfitana
(Idinirekta mula sa Baybaying Amalfi)
Ang Baybaying Amalfitana (Italyano: Costiera Amalfitana) ay isang kahabaan ng baybayin sa Dagat Tireno, na matatagpuan sa Golpo ng Salerno sa Timog Italya.
Ang Baybaying Amalfitana ay isang tanyag na pasyalan ng mga turista sa rehiyon at sa Italya sa kabuuan, na umaakit ng libo-libong turista taon-taon.[1] Noong 1997, ang Baybaying Amalfitana ay itinalaga bilang isang Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO.[2]
Kasaysayan
baguhinNoong ika-10 hanggang ika-11 siglo, ang Dukado ng Amalfi ay umiral sa teritoryo ng Baybaying Amalfitana, na nakasentro sa bayan ng Amalfi. Ang Baybaying Amalfitana ay kalaunang kinontrol ng Prinsipalidad ng Salerno, hanggang sa ang Amalfi ay dinambong ng Republika ng Pisa noong 1137.[3]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Bay of Naples & Amalfi Coast History". Unique Costiera. Inarkibo mula sa orihinal noong 31 Oktubre 2011. Nakuha noong 28 Hunyo 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Costiera Amalfitana". UNESCO World Heritage Centre. Nakuha noong 14 Setyembre 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Matthews, Jeff. "Naples". Around Naples Encyclopedia. University of Maryland University College. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Hulyo 2011. Nakuha noong 14 Setyembre 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga panlabas na link
baguhin- Province of Salerno, Campania, Italy sa Curlie
- Amalfi Coast Naka-arkibo 2018-02-09 sa Wayback Machine. sa ENIT - Italian National Tourist Board