Beefcake
Ang salitang Ingles na beefcake (tuwirang salin: "Karneng-mamon") ay tumutukoy sa paggamit ng hubo't hubad o bahagya lamang ang kahubaran o kahubuuan na katawan ng lalaki.[1] Maaari itong tumukoy sa isang henero o isang tao. Kadalasan itong ginagamit na may-ibig sabihing pagiging seksuwal na kaakit-akit ng lalaki na nag-uugat mula sa bikas ng katawan (pangangatawan), subalit ang kahulugan ay lumawig na isama ang sinumang may pagtuon sa kaangkupang pangkatawan, paghuhubog ng katawan at pagbubuhat ng mga pabigat. Kaya't may kaugnayan ito sa lalaking may pagkamatipuno o kabalisaksakan ng katawan.
Tingnan din
baguhin- Cheesecake, katawagan sa isang Pin-up girl, katumbas ng "karneng-mamon" sa kababaihan