Begonia elnidoensis
Marami pong problema ang artikulong ito. Tulungang mapabuti po ito o di kaya'y talakayin ang mga problemang nakasaad sa pahina ng usapan nito.
|
Ang Begonia elnidoensis ay isang endemikong espesye ng Begonia na natuklasan sa El Nido, Palawan, Pilipinas.[1][2] Ang espesye na ito ay inihambing sa Begonia wadei, dahil ang parehong mga espesye ay may makapal na tangkay, ngunit naiiba ito sa malawak hanggang sa napakalawak na hugis-itlog (very widely ovate) o may pagkatatsulok (subtriangular) na mga dahon, samantalang ang huli ay mayroong paiwasay na hugis-itlog (obliquely ovate) na mga dahon; 3-4 na pangalawang ugat ng dahon samantalang ang huli ay may 6 sa bawat gilid ng guluguran-dahon (midrib), walang buhok na mga tangkay-dahon kumpara sa huli na may puberulous hanggang tomentose, tangkay ng bulaklak na may sukat na 20–40 sentimetro ang haba kumpara sa 6–20 sentimetro lamang , at ang iba't ibang laki ng mga bract at kapsula .
Begonia elnidoensis | |
---|---|
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | Plantae |
Klado: | Tracheophytes |
Klado: | Angiosperms |
Klado: | Eudicots |
Klado: | Rosids |
Orden: | Cucurbitales |
Pamilya: | Begoniaceae |
Sari: | Begonia |
Espesye: | B. elnidoensis
|
Pangalang binomial | |
Begonia elnidoensis C.I Peng & Rubite & C.W.Lin
|
Etimolohiya
baguhinAng partikular na pangalan na elnidoensis ay nagmula sa El Nido, Palawan kung saan unang natuklasan ang espesye.[1]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Hughes, Mark; Peng, Ching-I; Lin, Che-Wei; Rubite, Rosario Rivera; Blanc, Patrick; Chung, Kuo-Fang (2018). "Chloroplast and nuclear DNA exchanges among Begonia sect. Baryandra species (Begoniaceae) from Palawan Island, Philippines, and descriptions of five new species". PLOS ONE (sa wikang Ingles). 13 (5): e0194877. Bibcode:2018PLoSO..1394877H. doi:10.1371/journal.pone.0194877. PMC 5931476. PMID 29718922.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "New Plant Species Discovered In The Philippines". Manila Bulletin Lifestyle (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Agosto 2019. Nakuha noong 19 Agosto 2019.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)