Benjamin Lundy
Si Benjamin Lundy[1] (Enero 4, 1789 – Agosto 22, 1839) ay isang Amerikanong patnugot at abolisyonistang Quaker na nagtatag ng ilang mga pahayagang laban sa pang-aalipin, at nagtrabaho rin para sa marami pang iba. Malawak ang mga narating niyang mga pook para makatulong sa pagpigil sa paglaganap ng pang-aalipin, at para makapagtatag ng isang kolonya kung saan maaaring makapanirahan ang mga napalayang mga alipin, sa labas ng Estados Unidos.
Talambuhay
baguhinIsinilang siya sa Sussex County, New Jersey. Bilang isang pangunahing mamamayan sa kilusan laban sa pagkakaroon at pagmamay-ari ng mga alipin, binuo niya ang Union Humane Society o Unyong Makataong Lipunan[2] noong 1815. Isa ito sa mga unang mga organisasyong laban sa pang-aalipin. Inilunsad niya rin ang The National Enquirer and Constitutional Advocate of Universal Liberty. Nakapaglakbay siya sa Haiti, Canada, at Texas mula 1825 hanggang 1835 dahil sa paghahanap ng mga pook na mapagtatagan ng malayang tahanang-lupain para sa mga negro o mga mamamayang may itim na kulay ng balat.[1]
Sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 "Benjamin Lundy". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Literal na salin.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.