Ang bentilasyon o pagpapahangin ay ang galaw at pagpasok ng sariwang hangin sa mga silid at iba pang mga puwang na nasa labas o nasa loob ng gusali. Kapag hinayaan ang hangin na makapasok at makalabas sa isang silid sa pamamagitan ng karaniwan o natatanging mga lagusan, tinatawag itong likas na bentilasyon. Isang kasangkapan ng pagkakaroon ng likas na bentilasyon ang apuyan (dapugan o sigaan, kilala sa Ingles bilang fireplace) na nasa loob ng bahay at may tsimniya o asuhan. Kapag walang pumapasok na hangin sa mga tirahan o pinipigilan ang hangin na makapasok sa mga tirahan, maaaring sumunod ang pagkakaroon ng karamdaman ang mga naninirahan sa gusaling iyon. Isang paraan ng pagkakaroon ng mabuting sirkulasyon ng hangin sa bahay ay ang madalas na pagbubukas ng bintana, sapagkat tunay na mas sariwa ang hanging nagmumula sa labas ng bahay kaysa sa nagdaraan sa isang panloob na pintuan. Subalit isang karaniwang daing sa pagbubukas ng bintana ang pagkakaroon ng "lagok" ng hangin o bugso o ihip ng hangin na papasok sa loob ng bahay. Maiiwasan ang bugsong ito ng hangin sa pamamagitan ng pagpapalaki ng pagkakabukas ng bintana, o kaya sa pamamagitan ng pagbibigay sa daloy ng hangin ng kapupuntahan o direksiyong papaitaas habang dumaraan ito sa dungawan.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Robinson, Victor, pat. (1939). "Ventilation". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 754.

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.