Si Bernardin Palaj (Oktubre 20, 1894 - Disyembre 8, 1947) ay isang Franciscanong prayle, folklorista, at makata.[1]


Bernardin Palaj

Retrato ni Bernardin Palaj na kinuhanan ni Kel Marubi
IpinanganakZef Palaj
2 Disyembre 1894(1894-12-02)
Shkodër, Scutari Vilayet, Imperyong Otomano (sa kasalukuyan ay Albania)
Namatay5 Marso 1945(1945-03-05) (edad 53)
Shkodër, Albania
Benerasyon saSimbahang Katoliko Romano
BeatipikasyonNobyembre 5, 2016, Katedral ni San Estebam, Shkodër ni Papa Francisco
KapistahanMarso 5 (petsa ng pagkamartir)

Ipinanganak bilang Zef Palaj sa Shkodër, kina Gjon at Marta Dedaj,[2] na orihinal na mula sa mga bundok ng Shllak.[3] Nagpunta si Bernardin Palaj sa mga paaralang Franciscano sa Shkodër, sumali sa ordeng Franciscano noong Setyembre 1911, at natapos ang kaniyang pag-aaral sa Salzburg, Austria. Inorden bilang pari noong 1918, si Palaj ay isang organista sa simbahan ng Francisca sa Shkodra mula 1916 hanggang 1946, nagturo ng Albanes at Latin sa Collegium Illyricum (Kolehiyo Iliryo), at nagsilbi bilang kura paroko sa Pult at Rubik. Mula Abril 1923 hanggang Disyembre 1924, kasama sina Shuk Gurakuqi, Ndre Mjeda, Gjergj Fishta, at Anton Harapi, namatnugot siya sa lingguhang pahayagan ng Shkodra na Ora e maleva (Ang panahon sa bundok), na kaanib ng oposisyon ng parlamento. Siya ay inaresto ni Zogu noong 1924 ngunit pinalaya sa interbensiyon ni Arsobispo Lazër Mjeda. Sa panahon ng 1919-1934, nakolekta niya ang mga alamat mula sa mga bundok, materyal na inilathala sa nangungunang peryodikong Hylli i Dritës (Ang Butuin sa Umaga). Kasama ni Donat Kurti, inilathala niya ang Kângë kreshnikës dhe legenda (Kanta ng mga Mandirigma at Alamat ng Prontera) sa kahanga-hangang koleksiyon ng Visaret e kombit (Mga Kayamanan ng Bansa), Tirana, 1937. Mula 1934 hanggang 1941, lalo rin siyang gumawa ng sariling mga akdang pampanitikan, karamihan sa klasikal na liriko at elehiyong taludtod at maikling kuwento. Mula 1939 hanggang 1944, si Palaj ay nagsilbi bilang isang kapitan ng pulisya sa ilalim ng pamumuno ng mga Italyano at pananakop ng mga Aleman, kahit na siya ay tila may sakit mula 1942 pataas. Inilaan din niya ang mga taon ng digmaan sa pagsasaliksik sa kaugaliang batas at organisasyong panlipi sa hilagang Albania. Ang kaniyang trabaho sa pulisya sa ilalim ng okupasyon, anuman ang anyo nito, ay hindi siya minahal ng mga Partisano. Sa pagkubkob ng mga Komunista noong huling bahagi ng 1944, tumakas si Palaj sa mga bundok, ngunit naaresto sa Rubik noong 1946. Namatay si Palaj sa bilangguan ng tetanus noong Pebrero o Disyembre 1946 bago siya masentensiyahan, at inilibing sa looban ng sanatorium sa Shkodra.[4]

Sina Palaj at Donat Kurti ang unang nagrekord ng awit sa wikang Albanes na 'Gjergj Elez Alia' na inilathala sa Tirana noong 1937.[5]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Elsie, Robert (2010) [2004], Historical Dictionary Of Albania (PDF) (ika-2 (na) edisyon), Maryland: Rowman & Littlefield Publishing Group, p. 416, ISBN 9781282521926, OCLC 816372706, inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2014-10-06{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Kurti, P. Donat (2003) [1965]. Provinça Françeskane Shqiptare (sa wikang Albanes). Shkodër: Botime Françeskane. p. 118. ISBN 99927-789-1-1. Bernardinus (P) Josephus Palaj, f. Joannis et Martae Dedaj, n. Shkodrae, d. Shkodrensis 20 Oct. 1894; v. 15 Sept. 1911; pt. 1 Nov. 1912; ps. 14 Jul 1917; Sac. 2 Aug. 1918; m. 2 Dec 1946 Shkodrae{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Elsie 2004, pp. xi

    Gjergj Elez Alia, recorded in Nikaj (District of Tropoja). Published in Visaret e Kombit, Vol II, ed. Bernandin Palaj and Donat Kurti (Tirana 1937)

  4. Elsie, Robert (2015). The Tribes of Albania; History, Society, and Culture. Library of Balkan Studies. Bol. 1. I.B.Tauris. p. 136. ISBN 9781784534011.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Elsie 2004, pp. xi

    Gjergj Elez Alia, recorded in Nikaj (District of Tropoja). Published in Visaret e Kombit, Vol II, ed. Bernandin Palaj and Donat Kurti (Tirana 1937)