Best Song Ever (awitin ng One Direction)
Ang Best Song Ever ay awitin ng pop na bandang Ingles-Irlandes na One Direction. Opisyal itong inilunsad sa publiko ng Syco Music at Columbia Records noong ika-22 ng Hulyo 2013[2] bilang punong awit (lead single) ng ikatlong studio album ng grupo, ang Midnight Memories. Ito rin ang opisyal na awitin ng pelikula-dokumentaryo ng nasabing banda, na may pamagat na One Direction: This Is Us. Inirekord ng banda ang awitin noong 2013 at tumatakbo ito ng 3 minuto at 21 segundo. Inanunsiyo ito ng One Direction sa isang bidyong kanilang ikinarga sa kanilang channel sa YouTube noong ika-25 ng Hunyo 2013. Inilabas din ang trailer ng nasabing pelikula tatlumpung minuto makalipas ikarga ang bidyo, at kasama nito ang maikling pasilip (preview) sa kanta. Nagsimulang ipagbili nang di-pa nailalabas (available for pre-order) ang awitin sa iTunes noong ika-26 ng Hunyo. Nakasama ang awit sa box set ng Gantimpalang Brit (Brit Awards), ang 2014 BRIT Awards.[3]
"Best Song Ever" | |
---|---|
Awitin ni One Direction | |
mula sa album na Midnight Memories | |
B-side |
|
Nilabas | 22 Hulyo 2013 |
Nai-rekord | 2013 |
Tipo | Power pop |
Haba | 3:22 |
Tatak | |
Manunulat ng awit |
|
Prodyuser | Julian Bunetta[1] |
Music video | |
"Best Song Ever" sa YouTube |
Mga Sanggunian
baguhin- ↑ "One Direction's 'Best Song Ever' Revealed: Is It The Who?". MTV News. 18 Hul 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Agosto 2013. Nakuha noong 16 Ago 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Brandle, Lars (26 Hun 2013 05:18 EDT). "One Direction Tease 'Best Song Ever,' Release New Movie Trailer". Billboard. Nakuha noong 24 Ago 2013.
{{cite web}}
: Check date values in:|date=
(tulong) - ↑ "BRITs Awards 2014: The Album - Out Now". Brit Awards. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-12-09. Nakuha noong 2015-03-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)