Bibcode
Ang bibcode (tinatawag din bilang refcode) ay isang pinag-isang tagapagkilala (o identifier) na ginagamit sa ilang mga sistemang datos pang-astronomiya upang matukoy na walang katulad ang mga sangguniang pampanitikan.
Buong pangalan | Bibliographic code (kodigong bibliyograpiko) |
---|---|
Ipinakilala | Dekada 1990 |
Blg. ng mga tambilang | 19 |
Check digit | wala |
Halimbawa | 1924MNRAS..84..308E |
Adopsyon
baguhinOrihinal na ginawa ang Bibliographic Reference Code (refcode) upang gamitin sa SIMBA at sa NASA/IPAC Extragalactic Database (NED), subalit naging de facto na pamantayan ito at malawak na itong ginagamit sa ngayon, halimbawa, sa NASA Astrophysics Data System, na naglikha nito at mas ginusto ang katawagang "bibcode".[1][2]
Pormat
baguhinAabot lamang ang kodigo sa 19 na karakter at may anyong
YYYYJJJJJVVVVMPPPPA
kung saan ang YYYY
ay ang apat na numero ng taon ng sanggunian at ang JJJJJ
ay ang kodigo na ipinapahiwatig kung saan nilathala ang sanggunian. Sa kaso ng isang sanggunang aklat-talaan (o journal), numero ng bolyum ang VVVV
, ipinapahiwatig ng M
ang seksyon ng aklat-talaan kung saan nilathala ang sanggunian (e.g., L
para sa seksyon ng mga liham), nagbibigay ang PPPP
ng panimulang numero ng pahina, at ang A
ang unang titik ng apelyido ng unang may-akda. Ginagamit ang mga tuldok (.
) upang punan ang hindi na nagamit na karakter at para umabot ito sa takdang haba nito kung napaikli nito; ginagawa ang pagpunan sa kanan para sa kodigo ng paglalathala at sa kaliwa para sa numero ng bolyum at numero ng pahina.[1][2] Pinagpapatuloy ang mga numero ng pahina na higit sa 9999 sa hanay na M
. Trinatrato ang mga numerong artikulong ID na may anim na numero (kapalit ng mga numero ng pahina) na ginagamit ng mga publikasyong Physical Review simula noong dekada 1990 bilang: Ang unang dalawang numero ng artikulong ID, katumbas ng numero ng isyu, ay pinapalitan ng isang maliit na titik (01 = a, atbp.) at pinapasok sa hanay M
. Ginagamit ang natitirang apat na numero sa karakter para sa pahina.[2]
Mga halimbawa
baguhinIlang halimbawa ng mga bibcode:
Bibcode | Sanggunian |
---|---|
1974AJ.....79..819H
|
Heintz, W. D. (1974). "Astrometric study of four visual binaries". The Astronomical Journal. 79: 819–825. Bibcode:1974AJ.....79..819H. doi:10.1086/111614.{{cite journal}} : CS1 maint: date auto-translated (link)
|
1924MNRAS..84..308E
|
Eddington, A. S. (1924). "On the relation between the masses and luminosities of the stars". Monthly Notices of the Royal Astronomical Society. 84 (5): 308–332. Bibcode:1924MNRAS..84..308E. doi:10.1093/mnras/84.5.308.{{cite journal}} : CS1 maint: date auto-translated (link)
|
1970ApJ...161L..77K
|
Kemp, J. C.; Swedlund, J. B.; Landstreet, J. D.; Angel, J. R. P. (1970). "Discovery of circularly polarized light from a white dwarf". [The Astrophysical Journal Letters. 161: L77–L79. Bibcode:1970ApJ...161L..77K. doi:10.1086/180574.{{cite journal}} : CS1 maint: date auto-translated (link)
|
2004PhRvL..93o0801M
|
Mukherjee, M.; Kellerbauer, A.; Beck, D.; atbp. (2004). "The Mass of 22Mg" (PDF). Physical Review Letters. 93 (15): 150801. Bibcode:2004PhRvL..93o0801M. doi:10.1103/PhysRevLett.93.150801. PMID 15524861.{{cite journal}} : CS1 maint: date auto-translated (link)
|
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 M. Schmitz; G. Helou; P. Dubois; C. LaGue; B.F. Madore; H. G. Corwin Jr. & S. Lesteven (1995). "NED and SIMBAD Conventions for Bibliographic Reference Coding". Sa Daniel Egret & Miguel A. Albrecht (mga pat.). Information & On-Line Data in Astronomy (sa wikang Ingles). Kluwer Academic Publishers. ISBN 0-7923-3659-3. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Hunyo 2011. Nakuha noong 2011-06-22.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 "The ADS Data, help page" (sa wikang Ingles). NASA ADS. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Oktubre 2007. Nakuha noong Nobyembre 5, 2007.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)