Si Selena Marie Gomez (ipinanganak noong 22 Hulyo 1992), ay isang Amerikanang aktres, mang-aawit at prodyuser[3] na naging tanyag sa pagganap niya bilang Alex Russo sa orihinal na serye ng Disney Channel na Wizards of Waverly Place.

Selena Gomez
Si Gomez noong Hulyo 2013
Kapanganakan
Selena Marie Gomez

(1992-07-22) 22 Hulyo 1992 (edad 32)
Trabaho
  • Artista
  • mang-aawit
  • manunulat ng awitin
  • ehekutibong prodyuser
  • modelo
  • taga-disenyo ng moda[1]
  • pilantropo[2]
Aktibong taon2002–kasalukuyan
Telebisyon
Karera sa musika
Genre
  • Dance-pop
Instrumento
Label
  • Hollywood
  • Interscope
Websiteselenagomez.com

Kasama ng kanyang karera sa telebisyon, lumabas si Gomez sa mga pelikulang Another Cinderella Story (2008), Princess Protection Program (2009), Wizards of Waverly Place: The Movie (2009), Ramona and Beezus (2010), Monte Carlo (2011), Spring Breakers (2012), Getaway (2013), The Fundamentals of Caring (2016), The Dead Don't Die (2019), at A Rainy Day in New York (2019). Binosesan din niya ang karakter na Mavis sa pelikulang prangkisa na Hotel Transylvania (2012–kasalukuyan), at naging ehekutibong prodyuser ng seryeng pantelebisyon ng Netflix na 13 Reasons Why (2017–2020) at Living Undocumented (2019).

Naglabas si Gomez ng tatlong album sa kanyang dating banda na Selena Gomez & the Scene: Kiss & Tell (2009), A Year Without Rain (2010), at When the Sun Goes Down (2011), na lahat ay lumapag sa pinakamataas na sampu sa tala na Billboard 200 sa Estados Unidos at natamo ang mga sertipikasyong ginto. Karagdagan dito, naglabas si Gomez ng tatlong album bilang solong mang-aawit: Stars Dance (2013), Revival (2015), at Rare (2020), na lahat ay unang lumapag sa Billboard 200.[4] Iniskor niya ang walong single na nasa pinakamataas na sampu sa tala na Billboard Hot 100: "Come & Get It", "The Heart Wants What It Wants", "Good for You", "Same Old Love", "Hands to Myself", "We Don't Talk Anymore" kasama si Charlie Puth, "It Ain't Me" kasami si Kygo, at "Lose You to Love Me", ang pinakahuli ang una niyang numero-unong single sa tala.

Noong 2017, naiulat ng Billboard na nakapagbenta si Gomez ng higit sa pitong milyong album at 22 milyong single sa buong mundo. Nakatanggap siya ng iba't ibang papuri at pinarangalan bilang ang Kababaihan ng Taon ng Billboard noong 2017. Marami siyang tagasunod sa social media, at sa isang punto, ang pinakasinusundan na indibiduwal sa Instagram. Abala din si Gomez sa ibang bagay kabilang ang isang linya ng makeup, isang linya ng pananamit, isang linya ng handbag, isang linya ng pabango, at isang kompanyang produksyon na nagngangalang July Moonhead Productions. Nakipagtulungan siya sa iba't ibang mga organisasyong pangkawanggawa at, nang siya'y 17 gulang, nahirang siya bilang isang embahador ng UNICEF.[5]

Diskograpiya

baguhin

Naglabas si Gomez ng tatlong istudiyong album, dalawang EP, at isang kompilasyong album sa solong karera.

Siya ang punong mang-aawit ng dating banda niya na Selena Gomez & the Scene, na naglabas ng tatlong istudiyong album at isang album na remix.

Mga album na solo

baguhin
  • Stars Dance (2013)
  • Revival (2015)
  • Rare (2020)

Mga album ng Selena Gomez & the Scene

baguhin
  • Kiss & Tell (2009)
  • A Year Without Rain (2010)
  • When the Sun Goes Down (2011)

Mga sanggunian

baguhin
  1. "adidas NEO Label Signs Selena Gomez as New Style Icon and Designer – New Video Available" (sa wikang Ingles). news.adidas.com. Nobyembre 20, 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 10, 2015. Nakuha noong Hulyo 10, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Selena Gomez". UNICEF USA (sa wikang Ingles). Nakuha noong Agosto 26, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Bacle, Ariana (Enero 25, 2017). "Selena Gomez shares ominous 13 Reasons Why teaser". Entertainment Weekly (sa wikang Ingles). Nakuha noong Enero 25, 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Caulfield, Keith (Enero 21, 2020). "Selena Gomez Earns Third No. 1 Album on Billboard 200 Chart With 'Rare'". Billboard (sa wikang Ingles). Nakuha noong Mayo 4, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Charity, Action, Now! (C.A.N.)". UNICEF USA (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-05-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
baguhin