Pandalawahang kasarian

(Idinirekta mula sa Bigender)

Ang Pandalawahang kasarian (Ingles: bigender, bi-gender, o bi+gender) ay naglalarawan ng isang tendensiya na lumipat sa pagitan ng pambabae at panlalaki na ugaling-pangkasarian depende sa konteksto, na nagpapahayag ng isang tiyak na "en femme" at isang tiyak na "en homme" na persona, pambabae at panlalake ayon sa pagkakabanggit. Ito ay kinikilala ng APA bilang isang subset ng grupong transgender. [1] [2] Ayon sa isang 1999 survey na isinagawa ng Kagawaran ng Pampublikong Kalusugan ng San Francisco, siniyasat na sa kalipunan ng komunidad ng mga transgender, mas mababa sa 3% ng mga taong genetik na lalaki at mas mababa sa 8% ng mga taong genetik na babae ang kinilala bilang bigender. [3] Habang pinapanatili ng isang androgynous na tao ang kaayon nitong ugaling-pangkasarian sa kabuuan ng sitwasyon, ang bigendered na tao ay sadya o di-sadyang nagbabago ang kanilang pag-uugaling gender-role mula sa primarya panlalaki o primarya pambabae, o bisebersa.

Ang watawat ng Nagmamalaking mga Interseksuwal o "Intersexed Pride flag" ay nilikha ni Natalie Phox noong 2009 upang sumagisag sa espiritu ng mga tao na ipinanganak na hati ang pagiging bahagi sa kapwa kasariang panlalaki at kasariang pambabae, o para sa mga nasa transisyon mula lalaki o mula babae papunta sa kapwa kasarian bilang isang katapusang kinalabasan sa halip na isang kumpletong transisyon papunta sa isa o iba pa (lalaking babae [heshe] o babaeng lalaki [shemale]) o anumang kumbinasyon o tambalan katulad ng lalaking nagnanais ng mas pambabaeng kaanyuhan. Ang panggitnang pahabang guhit o balatay ay nagsasanib ng rosas (babae) at bughaw (lalaki) sa gitna upang sumagisag sa pagkakahalo sa pagitan ng dalawang mga kasarian.
Huwag itong ikalito sa biseksuwalidad, ang pagkaakit ng tao sa dalawang kasarian.

Paggamit ng mga kataga

baguhin

Mahalagang punahin na ang konseptong ito ay lumitaw mula sa loob mismo ng transgender na komunidad, sa halip na hinango ito pagkatapos na ito ay nilikha ng ibang sub-kultura (halimbawa, ang transsexual ay unang tinukoy ng komunidad ng mental health). Dahil ang bigender ay isa pa ring self-applied na bansag, hindi posibleng magbigay ng isang depinitibo na balangkas ng mga tipikal na bigendered na tao. Anumang paglalarawan ng isang bigendered na tao ay isang halimbawa lamang ng kung sino mang nanagpapakilala bilang bigender maaaring gusto. Kahit na may mga pattern, ang tanging solidong katangian ay ang katuturan ng dual gender.

Seksuwal na oryentasyon

baguhin

Maaaring magmukha na ang isang bigender na identidad ay dapat kasabay sa pagkakaroon ng isang bisekswal pagkakakilanlan ngunit ang gender identity at sexual orientation ay bukod. Posible maging bigender at hindi bisekswal, o bisekswal ngunit hindi bigender. Para sa ilang mga bigender na tao, ang mga bansag tulad ng bakla, lesbiyana o bisekswal ay maaaring hindi nauugnay o kasiya-siya dahil sa kanilang pokus sa pisyolohikal na ari. Maaaring mas gugustuhin ng iba ang termino na tumutukoy sa kasarian (tingnan Gynephilia at androphilia) habang ang iba ay mas pipiliin na hindi tukuyin ang isang sexual orientation sa anumang paraan. Dahil ang bigender ay isang gender-related na termino, at hindi terminong erotika, ang isang bigender na tao ay siyempre maaari maging asekswal.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  • Schneider, M., et al. APA Task Force on Gender Identity, Gender Variance, and Intersex Conditions , 2008
  • Clements, K. San Francisco Kagawaran ng Pampublikong Kalusugan , 1999