Billy (alipin)
Si Billy (tinatayang ipinanganak noong 1754 ) ay isang lalaking alipin mula sa Virginia na kinasuhan ng pagtataksil noong Rebolusyong Amerikano .[1] Ipinatawad siya noong 1781 matapos maisulat ang isang liham na nagsasabing, bilang isang alipin, hindi siya isang mamamayan ng estado at sa gayon ay hindi makakagawa ng pagtataksil laban sa isang pamahaalan na wala siyang katapatan.
Buhay bago ang paglilitis
baguhinWalang masyadong kaalaman tungkol sa buhay ni Billy bukod sa kanyang paglilitis. Maaaring ipinanganak siya noong 1754 at ang mga historyador ay naniniwala na siya ang parehong Billy na naalipin ng mayamang tagatanim na si John Tayloe II[1] na nagpalagay ng isang karatula tungkol sa tumakas na mulato noong 1 774. Sa karatula na inilagay ng empleyado ni Tayloe, inilahad na si Billy ay isang tumakas na alipin at bukod sa pagiging isang dalubhasang manggagawa, may kakayahan din siyang makuha ang "mabubuting Grasya ng halos lahat ng tagapakinig."[2][3] Ang historyador na si Lathan A. Windley ay naniniwala na sa panahong ito, bumili si Billy ng isang pekeng pasahe na may hangaring palayain ang kanyang sarili sa pamamagitan ng paglalakbay sa ibang estado.[4]
Paglilitis
baguhinNoong Abril 2, 1781, si Billy ay naakusahan ng Hukuman ng Prince William County dahil sa pagtataksil laban sa estado ng Virginia.[5] Si Billy ay inakusahan dahil sa pagsali sa mga puwersang Briton sakay ng isang armadong barko na may hangaring lumaban sa mga kolonya sa panahon ng Digmaang Rebolusyonaryo ng Amerika . Ito ay hindi na ipinagtaka dahil maraming mga alipin ang pinangakuan ng kanilang kalayaan kapalit ng pakikipaglaban para sa mga Briton; gayunpaman, nakipagtalo si Billy na siya ay napilitang sumakay sa barko at hindi pa siya nakakakuha ng sandata.[3] Sa kabila nito, nahatulan si Billy ng kamatayan sa pamamagitan ng pagbitay.[6]
Dalawa sa mga hurado ay sina Henry Lee II at William Carr. Kasama si Mann Page, ay nagtalo tungkol sa pagkakasentensya kay Billy at sumulat ng isang liham kay Thomas Jefferson na noon ay ang Gobernador ng Virginia, upang umapela para sa kaluwagan ng parusa . Naisip nina Lee at Carr na ang isang alipin na "hindi kasama sa Mga Pribilehiyo ng isang Mamamayan ay may utang sa State No Allegiance at ang Batas na nagdedeklara kung ano ang maituturing na pagtataksil ay hindi maaaring ihayag ng Lehislatura upang isama ang mga alipin na walang lupa o iba pang ari-arian na maaaring maibigay. "[5][7] Ang kanilang mga aksyon ay matagumpay kaya binigyan ni Jefferson ng isang pansamantalang pagpapatawad kay Billy at noong Hunyo 14, opisyal na pinatawad ng estadong lehislatura si Billy.[8][9]Walang nakasulat tungkol sa nangyari kay Billy matapos siyang mapatawad.
Pananaw
baguhinAng pagtatalo nina Lee at Carr ay naiiba sa nauna at magkatulad na kaso ng mga alipin na hinatulan ng pagtataksil.[10] Ang mga historyador na sina HJ Eckenrode at Philip J. Schwarz ay nagkomento tungkol sa desisyon, kasama ang pagsulat ni Eckenrode na "ito ay isang bagong doktrina, bunga ng Rebolusyonaryong humanitaryanismo " at sinabi ni Schwartz na "Ang kaso niya (Billy) ay isang dobleng ironiya. Siya ay isang alipin, subalit siya ay nahatulan dahil sa pagsuway sa isa sa mga batas ng komonwelt. Hindi siya nakasama sa ilalim ng proteksyon na ipinagkakaloob sa mga mamamayang Amerikano subalit, siya pa rin ay nakaligtas mula sa pagpataw ng kamatayan dahil ang batas ng pagtataksil ng Virginia ay hindi maaaring mailalapat sa kanya. "[10][3]
Mga Sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 https://books.google.com/books?id=aZInAQAAMAAJ&q=%22Billy%22+slave+%22Prince+William+County%22
- ↑ https://books.google.com/books?id=_dtBAAAAIAAJ&q=%22Billy%22
- ↑ 3.0 3.1 3.2 http://www.encyclopediavirginia.org/Billy_fl_1770s-1780s
- ↑ https://books.google.com/books?id=UbjHBQAAQBAJ&q=%22Billy%22+slave+%22Prince+William+County%22&pg=PA125
- ↑ 5.0 5.1 https://books.google.com/books?id=qqrSc-4NRxYC&q=%22Billy%22+slave+%22Prince+William+County%22&pg=PA115
- ↑ https://books.google.com/books?id=dCjRidvf-aMC&q=%22Billy%22+slave+%22Prince+William+County%22&pg=PA438
- ↑ https://books.google.com/books?id=85XLZQIEbtIC&q=%22Billy%22+slave+%22Prince+William+County%22&pg=PA189
- ↑ https://books.google.com/books?id=TMZMAgAAQBAJ&q=%22Billy%22+slave+%22Prince+William+County%22&pg=PA461
- ↑ https://books.google.com/books?id=QcGTdl0n0YEC&q=%22Billy%22+slave+%22Prince+William+County%22&pg=PA12
- ↑ 10.0 10.1 https://books.google.com/books?id=ldT9Qu29phwC&q=%22Billy%22+slave+%22Prince+William+County%22&pg=PA64