Ang Billy Elliot ay isang pelikulang drama noong 2000 sa Britanya, na isinulat ni Lee Hall at idinirehe ni Stephen Daldry. Nakalagak ito sa kathang-isip na tagpuan ng 'Everington' sa loob ng tunay na County Durham,  Nagkakaisang Kaharian. Kinabibidahan ito nina Jamie Bell bilang ang labing-isang taong gulang na si Billy, isang batang lalaking naglalayong maging mananayaw, Gary Lewis bilang kanyang amang minero ng uling, Jamie Draven bilang nakatatandang kapatid na lalaki ni Billy, at Julie Walters bilang kanyang guro ng baley. Noong 2001, kinumisyon ang may-akdang si Melvin Burgess upang isulat ang nobelisasyon ng pelikula batay sa dula ni Lee Hall. Ginawang isang musikal o dulang may tugtugin para sa tanghalan ng West End bilang Billy Elliot the Musical noong 2005; nagbukas ito sa tanghalan ng Broadway noong 2008 at sa Australya noong 2007.

Billy Elliot
Itinatampok sinaJamie Bell,[1] Julie Walters,[1] Fred Astaire
TagapamahagiUniversal Studios
Inilabas noong
30 Nobyembre 2000[2]
Haba
111 minuto
BansaUnited Kingdom[1]
WikaIngles


PanitikanPelikula Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan at Pelikula ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  1. 1.0 1.1 1.2 https://www.europeanfilmawards.eu/en_EN/film/billy-elliot.5563; hinango: 12 Agosto 2020.
  2. http://www.kinokalender.com/film1794_billy-elliot-i-will-dance.html; hinango: 28 Enero 2018.