Bilyar
Ang bilyar (Ingles: cue sports, minsang binabaybay na cuesport) ay isang termino na sumasaklaw sa isang malawak na uri ng laro o larangan ng palakasan na gumagamit ng tako kung saan ginagamit upang itulak o tumbukin ang mga bola upang mapagalaw ito at maipuslo sa butas ng isang lamesa na ginagamit sa palarong ito.[1]
Sa kasaysayan, ang ginagamit na termino ay billiards o bilyar, datapwat ginagamit pa rin ito ng ilan, ang salita ay nagkaroon na ng iba't ibang depinisyon mula sa mga grupong naglalaro nito at sa ilang bahagi ng mundo. Sa Gran Britanya, ang bilyar ay natatangi para sa bilyar na Ingles o English billiards, samantalang sa Amerika, ginagamit ang termino para tukuyin ang lahat ng bersyon ng cue sports at nagdedepende sa diyalekto at nilalaman ng paggamit.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Charles Knight's "Old England: A Pictorial Museum" (1845), in From Old Books. Huling binasa Nobyembre 11, 2007 at The Billiard Encyclopedia: An Illustrated History of the Sport (ikalawang edisyon) mula sa Blue Book Publications, Hunyo 1996 ISBN 1-886768-06-4
Ang lathalaing ito na tungkol sa Palakasan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.