Benjamin Netanyahu

(Idinirekta mula sa Binyamin Netanyahu)

Si Binyamin “Bibi” Ntanyahu (Ebreo: בנימין נתניהו), ipinanganak Oktubre 21, 1949 sa Tel Aviv-Yafo, ay ang ikasiyam na punong ministro ng Israel. Lumaki si Netanyahu sa Cheltenham, Pennsylvania at kilala siya sa personal niyang gamit na pangalan sa Inggles na Benjamin Netanyahu. Si Netanyahu ay nanilbihan bilang punong ministro ng tatlong beses: mula 1996 hanggang 1999, 2009 hanggang 2021, at nahalal muli noong Nobyembre 2022 na may kaunti pero panalong mayorya sa upuan ng parlamento.[2][3]

Benjamin Netanyahu
Kapanganakan21 Oktubre 1949[1]
  • (Tel Aviv District, Israel)
MamamayanIsrael
NagtaposSuriang Pangteknolohiya ng Massachusetts
Trabahopolitiko, diplomata, estadista, military personnel, politologo
Pirma

Nangakong maghahatid ng pagkakaisa sa bansa, ang kanyang mga reporma ay nagdulot ng iba't-ibang oposisyon at malakihang protesta laban sa kanyang administrasyon. Noong 2019, naakusahan si Netanyahu ng mga alegasyon ng korapsyon. Sinasabi na kumuha siya ng pondo mula sa mga mayayamang negosyante at binayaran niya ang iba't-ibang media at press outlet para makakuha ng positibong imahe. Siya'y napaharap sa paglilitis noong Mayo 2020.[4]

Itinuloy ng koalisyon ni Netanyahu ang repormang panghukuman, kung saan nagresulta ito ng mga protesta noong unang bahagi ng 2023. Noong Oktubre 2023, dumanas ang Israel ng malawakang pag-atake ng mga grupong Palestino na pinamumunuan ng Hamas, na nagdulot ng digmaang Israel–Hamas. Dahil sa kabiguan na mahulaan ang pag-atake, binatikos si Netanyahu sa pamumuno sa pinakamalaking kabiguan ng paniktik ng Israel sa loob ng 50 na taon,[5][6][7] at hinarap ang mga protesta na nananawagan na siya ay alisin. Ang gobyerno ni Netanyahu ay napagbintangan ng genocide, [8][9][10] na nagtatapos sa South Africa v. Israel sa harap ng International Court of Justice noong Disyembre 2023.[11][12] Noong Mayo 2024, inihayag ni Karim Khan, ang tagausig ng International Criminal Court, ang kanyang intensyon na mag-aplay para sa warrant ng pag-aresto para kay Netanyahu, at iba pang miyembro ng kanyang gabinete, para sa mga krimen sa digmaan at krimen laban sa sangkatauhan, bilang bahagi ng pagsisiyasat ng ICC sa Palestine.[13][14][15]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 "חה"כ בנימין נתניהו". {{cite web}}: no-break space character in |title= at position 12 (tulong)
  2. "Benjamin Netanyahu | Biography, Education, Party, Nickname, & Facts | Britannica". www.britannica.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-04-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Gold, Richard Allen Greene,Amir Tal,Hadas (2022-11-07). "How a rule change helped Netanyahu win Israel's elections". CNN (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-04-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  4. "Benjamin Netanyahu, Israel's defiant leader". BBC News (sa wikang Ingles). 2012-05-09. Nakuha noong 2023-04-03.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Israel-Gaza conflict: Unthinkable security lapse on Netanyahu's watch". The Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Oktubre 2023. Nakuha noong 14 Oktubre 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Israelis question Prime Minister Benjamin Netanyahu on 'colossal failure' on security establishment". The Telegraph Online. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Oktubre 2023. Nakuha noong 14 Oktubre 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Netanyahu may end up the highest-ranking casualty of this attack". The Australian. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Oktubre 2023. Nakuha noong 14 Oktubre 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Eghbariah, Rabea (21 Nobyembre 2023). "The Harvard Law Review Refused to Run This Piece About genocide in Gaza". The Nation. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Disyembre 2023. Nakuha noong 21 Marso 2024.{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Gaza: UN experts call on international community to prevent genocide against the Palestinian people". UN. 16 Nobyembre 2023. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Disyembre 2023. Nakuha noong 21 Marso 2024.{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Burga, Solcyre (14 Nobyembre 2023). "Is What's Happening in Gaza a Genocide? Experts Weigh In". Time. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Nobyembre 2023. Nakuha noong 21 Marso 2024.{{cite magazine}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Thousands Protest Across Israel Against Netanyahu's Government". Haaretz (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Enero 2024. Nakuha noong 2024-01-29.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Protesters call for change to Netanyahu government". Reuters. 20 Enero 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Khan, Karim A.A. (20 Mayo 2024). "Statement of ICC Prosecutor Karim A.A. Khan KC: Applications for arrest warrants in the situation in the State of Palestine". icc-cpi.int. International Criminal Court. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Mayo 2024. Nakuha noong 20 Mayo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Ray, Siladitya (2024-05-20). "ICC Seeks Arrest Warrants For Benjamin Netanyahu And Hamas Leader Yahya Sinwar". Forbes (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2024-05-22. Nakuha noong 2024-05-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Kottasová, Ivana (2024-05-20). "EXCLUSIVE: ICC seeks arrest warrants against Sinwar and Netanyahu for war crimes over October 7 attack and Gaza war". CNN (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Mayo 2024. Nakuha noong 2024-05-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

baguhin


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.