Biofeedback

pagkakaroon ng kamalayan sa mga biyolohikang proseso

Ang biofeedback (bigkas: /ba-yo-fid-bak/; literal na salin: "balik-tugong pangbuhay" o "katugunan ng katawan") ay ang proseso ng pagiging may kamalayan sa sari-saring mga pisyolohikong mga tungkulin na ginagamitan ng mga instrumento o aparatong nagbibigay ng mga kabatiran o impormasyon hinggil sa mga gawain ng mga sistemang ito, na may layuning mamanipula ang mga ito ayon sa kagustuhan ng isipan.[1][2] Kabilang sa mga prosesong natatabanan o nakukontrol ang liboy-utak (brainwave sa Ingles), tono ng masel, konduktansiya ng balat, tulin ng tibok ng puso, at persepsiyon ng hapdi.[3] Magagamit ang balik-tugong pambuhay upang painamin ang kalusugan o paggawa ng gawain, at nagaganap ang mga pagbabagong pisyolohikal na kasabayan ng mga pagbabago sa pag-iisip, mga emosyon, at pag-uugali. Sa kalaunan, mapapanatili ang mga pagbabagong ito na walang paggamit ng karagdagang mga kasangkapan.[2]

Natuklasang epektibo ang balik-tugong pambuhay para sa pagbibigay-lunas sa mga sakit ng ulo.[4][5] Mayroon ding mga eksperimentong nagpapakita na ang mga pasyenteng may mapanganib na pintig ng pusong hindi pangkaraniwan ay maaaring maturuang paghusayin o regulahin ang tulin, dami, at uri ng mga pintig. Ilan sa mga pasyenteng ito ang natutong ayusin ang kanilang mga pintig ng puso kahit na hindi na sila nakakabit sa mga aparato. Mayroon ding ibang mga pasyenteng natutong kontrolin ang kanilang presyon ng dugo.[6]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Durand, Vincent Mark; Barlow, David (2009). Abnormal psychology: an integrative approach. Belmont, CA: Wadsworth Cengage Learning. pp. 331. ISBN 0-495-09556-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  2. 2.0 2.1 "What is biofeedback?". Association for Applied Psychophysiology and Biofeedback. 2008-05-18. Nakuha noong 2010-02-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. deCharms RC, Maeda F, Glover GH; atbp. (2005). "Control over brain activation and pain learned by using real-time functional MRI". Proc. Natl. Acad. Sci. U.S.A. 102 (51): 18626–31. doi:10.1073/pnas.0505210102. PMC 1311906. PMID 16352728. {{cite journal}}: Explicit use of et al. in: |author= (tulong); Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  4. Nestoriuc Y, Martin A (2007). "Efficacy of biofeedback for migraine: a meta-analysis". Pain. 128 (1–2): 111–27. doi:10.1016/j.pain.2006.09.007. PMID 17084028. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Nestoriuc Y, Martin A, Rief W, Andrasik F (2008). "Biofeedback treatment for headache disorders: a comprehensive efficacy review". Appl Psychophysiol Biofeedback. 33 (3): 125–40. doi:10.1007/s10484-008-9060-3. PMID 18726688. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  6. "Biofeedback". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa titik na B, pahina 514.