Birhen ng Banal na Rosaryo

(Idinirekta mula sa Birhen ng Santo Rosario)

Ang Birhen ng Banal na Rosaryo o Ina ng Banal na Rosaryo ay ang titulo ng Birheng Maria na may kaugnayan sa rosaryo; na ayon sa tradisyon ng Simbahang Katoliko ay ibinigay at itinuro ng Birheng Maria ang pagdarasal nito kay Santo Domingo de Guzman, nang siya'y sinabing nagpakita rito noong 1208 sa simbahan ng Prouille sa Pransiya.[1]

Birhen ng Santo Rosaryo ni Nicola Porta

Naging matagumpay ang pagbabalik-loob ng mga heretikong mga Albigense nang gamitin ni Santo Domingo ang rosaryo na ibinigay sa kanya ng Birheng Maria. Dahil dito hinikayat din niya ang krusada na pinamumunuan ni Simon de Monfort, na noong 1213 ay nakikipaglaban naman sa puwersang militar ng mga Albigense sa Muret. Nagwagi ang Katolikong puwersa sa nasabing labanan. Sa kanilang palagay ang kanilang pagkapanalo ay mahimala at ito'y idinulot ng kanilang pagdarasal ng rosaryo. Bilang pasasalamat, ipinatayo ni de Monfort sa Muret ang unang dambanang ihinandog sa Birhen ng Santo Rosaryo.[1]

Maraming labanan sa kasaysayan na ipinagdasal sa Birhen ng Santo Rosaryo ang napagwagian kaya lalo pang lumawig ang debosyon dito. Ang pinakatanyag dito ay ang Labanan sa Lepanto sa pagitan ng pwersa ng Espanya, Genoa, Venice at Mga Estado ng Papa laban sa Muslim na Imperyong Ottomano.[2]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Feeney, Robert. "St. Dominic & the Rosary." catholic-pages.com.[1] Naka-arkibo 2011-04-07 sa Wayback Machine.. (Inaccess 2011-05-29). (sa Ingles)
  2. "Military Victories Through The Rosary." Make How To Pray The Rosary Everyday.com. [2] (Inaccess 2011-05-30). (sa Ingles)


  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.