Ang bisa (Ingles: visa) ay ang opisyal na pahintulot na inilalagay ng isang kinatawan ng dayuhang konsular sa loob ng pasaporte upang ang isang tao ay papasukin at makapaglalakbay sa loob ng isang bansa.[1][2] Nanggaling ang salitang visa mula sa isang salitang Latin na may ibig sabihing "tingnan", "tanawin", o "upang makita". Nagpapahayag ang pagkakaroon ng bisa na nasuri na ang pasaporteng kinapapalooban nito, at pinatutunayang nabigyan ng pahintulot ang nagmamay-ari o nagtatangan nito na dumalaw sa isang bansa. Bagaman maraming mga bisa ang walang bayad, mayroong may bayad na iba-iba ang halaga ayon sa bansa. Maaaring tumanggi ang isang bansa na magbigay ng bisa, kung ayaw nilang papasukin ang isang tao sa kanilang bansa. May ilang mga pamahalaang nagpapakailangan din ng isang pahintulot sa paglabas ng bansa.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gaboy, Luciano L. Visa - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. 2.0 2.1 "Visas and Passports". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 94.



  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.