Bit field
Ang isang bit field ay isang karaniwang idyoma na ginagamit sa pagpoprograma ng kompyuter upang siksik na iimbak ang mga maraming halagang lohikal bilang maikling serye ng mga bit kung saan ang bawat isang bit ay matutukoy ang address(tirahan ng memorya) ng hiiwalay. Ang isang bit field ay pinakaraniwang ginagamit upang ikatawan ang mga tayp ng intedyer na may alam at nakatakdang haba. Ang isang kilalang gamit ng mga bit field ay upang ikatawan ang isang mga bandilang bit na ang bawat bandila(flag) ay iniimbak sa isang hiwalay na bit.
Ang isang bit field ay ibinubukod sa bit array dahil ang huli ay ginagamit upang iimbak ang isang malaking pangkat ng mga bit na ini-indeks ng mga intedgyer at karaniwang mas malawak kesa sa mga tayp na intedyer na sinusuportahan ng wikang pamprograma. Sa kabilang dako, ang bit field ay tipikal na nagkakasya sa isang word ng isang makina(kompyuter) at ang pagtukoy ng mga bit ay hindi nakasalalay sa mga numerikal na indeks nito.