Bitcoin Cash

Salaping kripto na nagmula sa Bitcoin

Ang Bitcoin Cash ay isang salaping kripto.[3] Sa kalagitnaan ng taong 2017, naghanda ng bagong code ang isang pangkat ng mga developers na may kagustuhang dagdagan ang limitasyon sa sukat ng bloke ng bitcoin. Natupad ang pagbabago, na tinatawag na isang hard fork, noong Agosto 1, 2017. Samakatwid, nahati sa dalawa ang salaping kripto at ang tawag sa bitcoin ledger na blockchain.[4] Sa oras ng fork, lahat ng may hawak ng bitcoin ay naging may-aari rin ng parehong bilang ng mga yunit ng Bitcoin Cash.[4]

Bitcoin Cash
Simbolo ng tikerBCH
Katumpakan10−8
Pagsulong
PagsasakatuparanBitcoinABC, Bitcoin Unlimited, Bitcoin XT
Project fork ngBitcoin
Websaytbitcoincash.org
Ledger
Simula ng ledger3 Enero 2009 (15 taon na'ng nakalipas) (2009-01-03)[1][2]:ch. 35
Split height#478559 / 1 Agosto 2017 (7 taon na'ng nakalipas) (2017-08-01)
Naghiwalay mula saBitcoin
Rasyo ng paghihiwalay1:1
Pagtatatak-orasProof-of-work (bahagyang pagbabaligtad ng hash)
Hash functionSHA-256
Iskedyul ng pagpapalabasDating 50 BCH bawat bloke, hinahati bawat 210,000 bloke
Gantimpala ng bloke12.5 BCH[a]
Oras ng bloke10 minuto
Eksplorer ng blokeblockchair.com/bitcoin-cash/blocks
Hangganan ng panustos21,000,000 BCH
  1. from July 2016 to approximately June 2020, halved approximately every four years

Sa Nobyembre 15, 2018, nahati ang Bitcoin Cash at naging dalawang magkahiwalay na salaping kripto.[5]

Pag-uuri

baguhin

Ang Bitcoin Cash ay isang salaping kripto[6] at isang network ng pagbabayad.[7] Kaugnayan sa bitcoin, nailalarawan ito sa iba't ibang paraan katulad ng isang supling,[6] isang talim,[8] isang produkto ng hard fork,[9] isang sanga,[10] isang clone,[11]pangalawang bersyon[12] o isang altcoin.[13]

Palakontra ang pagbibigay ng pangalan sa Bitcoin Cash; minsan tinutukoy ito bilang Bcash.[14]

Kasaysayan

baguhin

Nag-ambag ang pagtaas ng mga bayarin sa network ng bitcoin sa isang kilusan mula sa iilan sa komunidad na lumikha ng isang hard fork para madagdagan ang mga blocksize.[15] Humantong ang kilusang ito sa Hulyo 2017 noong nadama ang ilang mga miyembro ng komunidad ng Bitcoin katulad ni Roger Ver na pumapabor sa mga taong nais itrato ang Bitcoin bilang isang pamumuhunang digital sa halip na bilang isang salapi ang pag-angkin ng BIP 91 nang walang pagtaas ng limitasyon sa sukat ng bloke.[16] Nakamit ng pagtutol ang pagtulak ng iilan upang madagdagan ang sukat ng bloke. Mula sa pagkakabuo nito hanggang Hulyo 2017, pinanatili ng mga gumagamit ng bitcoin ang mga pangkaraniwang patakaran para sa salaping kripto na iyon.[16] Sa huli, ang isang grupo ng mga aktibistang bitcoin,[12] mga mamumuhunan, mga negosyante, mga developer [16] at karamihan sa mga miners mula sa Tsina ay hindi nasiyahan sa ipinanukalang plano ng bitcoin sa mga pagpapabuti ng SegWit na sinadya upang madagdagan ang kapasidad at nagtulak ng mga alternatibong plano para sa split na nilikha ng Bitcoin Cash.[11] Kasama sa iminungkahing paghiwalay ng isang plano upang madagdagan ang bilang ng mga transaksyon na maaaring magproseso ng ledger sa pamamagitan ng pagtaas ng limitasyon sa sukat ng bloke para maging walong megabytes.[17]

Inilarawan ng tagagawa ng hardware Bitmain noong Hunyo 2017 ang namumukong hard fork na may isang pinalawak na limitasyon sa sukat ng bloke bilang isang "contingency plan" o plano sa hinsi inaasahang mangyari kung dapat magdesidido ang komunidad ng Bitcoin na magkaroon ng fork; ipinanukala ang unang pagpapatupad ng software sa ilalim ng pangalan ng Bitcoin ABC sa isang pagpupulong noong buwan na iyon. Noong Hulyo 2017, iminungkahi ng mining pool ViaBTC ang pangalang Bitcoin Cash.

Noong Agosto 1, 2017, nagsimula ang pakikipagkalakalan ng Bitcoin Cash sa presyong humigit-kumulang na $240, samantalang kinakalakal ang Bitcoin sa presyong humigit-kumulang na $ 2,700. [4]

Sa taong 2018, nakahanap si Cory Fields, isang developer ng Bitcoin Core, ng isang bug sa software ng Bitcoin ABC na nagpapahintulot sa mga magsasalakay na lumikha ng isang bloke na magdudulot ng paghahati ng chain. Nabisuhan ang pangkat ng pag-unlad ng mga fields tungkol sa pangyayaring ito at naayos ang bug. [18]

Ang paghahati noong Nobyembre 2018

baguhin

Sa Nobyembre 2018, naganap ang isang hard fork na paghahati sa chain ng Bitcoin Cash sa pagitan ng dalawang magkaribal na pangkatin na tinatawag na Bitcoin ABC at Bitcoin SV.[19] Noong Nobyembre 15, 2018, kinakalakal ang Bitcoin Cash ABC sa presyong humigit-kumulang na $289 at kinakalakal ang Bitcoin SV sa presyong humigit-kumulang na $96.50, mula sa presyong $425.01 sa 14 Nobyembre para sa di-magkahiwalay na Bitcoin Cash. [5]

Nagmula ang paghahati sa inilarawang bilang isang "digmaang sibil" sa dalawang magkalaban mga kampanyang pang-bitcoin cash.[20][21][22] IItinaguyod ng unang kampo, na pinaghantungan ng mga negosyante na si Roger Ver at Jihan Wu ng Bitmain, ang software na tinatawag na Bitcoin ABC (pinaikling palayaw para sa Adjustable Blocksize Cap) kung saan mananatili sa laki ng bloke sa 32MB.[22] Nagpakilala ang ikalawang kampo na pinanghantungan ni Craig Steven Wright at bilyunaryo na si Calvin Ayre ng isang kakumpetensyang software version na tinatawag na Bitcoin SV, maikli para sa "Bitcoin Satoshi's Vision," na magpapataas ng sukat ng bloke para maging 128MB.[19] [22]

Pangangalakal

baguhin

Kinakalakal ang Bitcoin Cash sa mga digital na palitan ng pera kabilang ang Bitstamp,[23] Coinbase,[24] Gemini,[25] Kraken,[26] at ShapeShift gamit ang pangalan ng Bitcoin Cash at ang BCH ticker symbol para sa salaping kripto na iyon. Gumagamit ang ilan sa mga iba pang mga palitan ng BCC ticker symbol, ngunit karaniwang ginagamit ang BCC para sa Bitconnect. Noong Marso 26, 2018, tinanggal ng OKEx ang lahat ng mga pares ng pangangalakal ng Bitcoin Cash maliban sa BCH/BTC, BCH/ETH atBCH/USDT dahil sa "kakulangan sa likido".[6] Magmula noong Mayo 2018, halos isang-ikasampung bahagdan ng bitcoin ang araw-araw na mga numero ng transaksyon para sa Bitcoin Cash.[6]

Sa Nobyembre 2017 ang halaga ng Bitcoin Cash, na may tugatog na $900, ay bumagsak sa halos $300, dahil sa pagbebenta ng Bitcoin Cash na tinanggap sa hard fork ng mga taong may hawak ng Bitcoin dati.[15] Noong Disyembre 20, 2017 umabot ito sa isang intraday high na $4,355.62 at pagkatapos ay nahulog nang 88% na maging $519.12 noong Agosto 23, 2018.[27]

Mga nagbibigay ng serbisyo sa pagbabayad

baguhin

Magmula noong Agosto 2018, sinusuportahan ang Bitcoin Cash bilang salapi ng mga nagbibigay ng serbisyo sa pagbabayad katulad ng BitPay, Coinify, at GoCoin.[28] Itinala ng Chainanalysis, isang kumpanya sa pananaliksik noong Mayo 2018 na nagkakahalaga ng US $3.7 milyon ang mga naprosesong mga Bitcoin Cash payments ng 17 na pinakamalaking serbisyo sa pagpoproseso ng pagbabayad katulad ng BitPay, Coinify, at GoCoin, na mas mababa kaysa sa US $10.5 milyon na naproseso noong buwan ng Marso.[28]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Cuthbertson, Anthony (21 Mayo 2018). "The Battle over Bitcoin: Scandal and Infighting as 'Bitcoin Cash' Threatens to Overthrow the Most Famous Cryptocurrency". Independent. Nakuha noong 23 Hulyo 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Mukhi, Vijay; Khanapurkar, Nitin (2017). The Undocumented Internals of the Bitcoin, Ethereum and Blockchains. BPB Publications. ISBN 978-9-3865-5130-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Smith, Oli (21 Enero 2018). "Bitcoin price RIVAL: Cryptocurrency 'faster than bitcoin' will CHALLENGE market leaders". Express. Nakuha noong 1 Marso 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 Selena Larson (1 Agosto 2017). "Bitcoin split in two, here's what that means". CNN Tech. Nakuha noong 2 Abril 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 Kharif, Olga (15 Nobyembre 2018). "Bitcoin Cash Fork Hits Investors' Pocketbooks as Two Coins Slip". Nakuha noong 18 Nobyembre 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 6.2 6.3 Kelly, Jemima (15 Mayo 2018). "Bitcoin cash is expanding into the void". Financial Times. Nakuha noong 3 Hunyo 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Lee, Timothy B. (20 Disyembre 2017). "Bitcoin rival Bitcoin Cash soars as Coinbase adds support". Nakuha noong 19 Hunyo 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Titcomb, James (2 Agosto 2017). "Bitcoin Cash: Price of new currency rises after bitcoin's 'hard fork'". Nakuha noong 7 Hunyo 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Orcutt, Mike (14 Nobyembre 2017). "Bitcoin Cash Had a Big Day, Hinting at a Deep Conflict in the Cryptocurrency Community". Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Nobiyembre 2018. Nakuha noong 7 Hunyo 2018. {{cite news}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  10. Chen, Lulu Yilun. "Bitcoin Is Likely to Split Again in November, Say Major Players". Nakuha noong 22 Enero 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. 11.0 11.1 Irrera, Anna (2 Agosto 2017). "Bitcoin 'clone' sees a slow start following split". Independent. Nakuha noong 22 Hunyo 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. 12.0 12.1 "Bitcoin divides to rule". 5 Agosto 2017. Nakuha noong 23 Hulyo 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Vigna, Paul (23 Disyembre 2017). "Bitcoin Cash, Litecoin, Ether, Oh My! What's With All the Bitcoin Clones?". Nakuha noong 6 Hunyo 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. Pinagmulan ng Bcash Palayaw:
  15. 15.0 15.1 Laura Shin (23 Oktubre 2017). "Will This Battle For The Soul Of Bitcoin Destroy It?". Forbes. Nakuha noong 14 Abril 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. 16.0 16.1 16.2 Popper (25 Hulyo 2017). "Some Bitcoin Backers Are Defecting to Create a Rival Currency". The New York Times. Nakuha noong 28 Hulyo 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. Nakamura (4 Disyembre 2017). "Battle for 'True' Bitcoin Is Just Getting Started". Bloomberg Businessweek. Nakuha noong 19 Disyembre 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Evans, John (10 Agosto 2018). "Cryptocurrency insecurity: IOTA, BCash and too many more". Techcrunch. Nakuha noong 12 Agosto 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. 19.0 19.1 Kharif, Olga (17 Nobyembre 2018). "Bitcoin Cash Clash Is Costing Billions With No End in Sight". Bloomberg. Nakuha noong 18 Nobyembre 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Clifford, Tyler (14 Nobyembre 2018). "'Crypto civil war' slams bitcoin, but it won't last, says BKCM's Brian Kelly". CNBC. Nakuha noong 18 Nobyembre 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. CFD Trading. CMTrading.com. 2 November 2019. Nakuha noong 5 Hunyo 2018.
  22. 22.0 22.1 22.2 Huang, Zheping (15 Nobyembre 2018). "Bitcoin cash "hard fork": everything you need to know about the latest cryptocurrency civil war". South China Morning Post. Nakuha noong 18 Nobyembre 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. "Bitstamp To Launch Bitcoin Cash Trading". 21 Nobyembre 2017. Nakuha noong 22 Hunyo 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. "Coinbase blames extreme buyer demand for last month's Bitcoin cash disaster". 9 Enero 2018. Nakuha noong 4 Mayo 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. "Winklevoss Brothers Bitcoin Exchange Adds Zcash, Litecoin, Bitcoin Cash". 14 Mayo 2018. Nakuha noong 24 Mayo 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. "Meet Bitcoin Cash—the new digital-currency that surged 122% in less than a day". 2 Agosto 2017. Nakuha noong 5 Hunyo 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. Osipovich (24 Agosto 2018). "It Was Meant to Be the Better Bitcoin. It's Down Nearly 90%". Nakuha noong 26 Agosto 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. 28.0 28.1 Kharif, Olga (20 Agosto 2018). "'Bitcoin Jesus' Is Having a Hard Time Winning Over True Believers". Bloomberg. Nakuha noong 21 Agosto 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
baguhin