Black hole

(Idinirekta mula sa Black Hole)

Ang black hole (literal na pagsasalin: itim na butas) ay isang rehiyon sa kalawakan-oras na bumaluktot na wala kahit liwanag ay maaring makatakas dito. Ito ay isa sa mga prediksiyon ng Teoriyang pangkalahatang relatibidad ni Albert Einstein na ang isang sapat na siniksik na masa (mass) ay maaaring magpabaluktot ng kalawakan-oras upang lumikha ng black hole. Ang pag-iral ng mga black hole ay hindi tuwirang maoobserbahan kundi sa pamamagitan lamang ng pagmamasid ng mga grabitasyonal na interaksiyon nito sa mga nakapaligid dito. Si Stephen Hawking ang nagsabing ang mga galactic hole ang nagbubuga ng mga rayos ekis, isang pananaw na kontra sa paniniwala noon ng mga siyentipiko.

Isang paglalarawan ng isang black hole sa kalawakan.

Pagkabuo

baguhin

Nabubuo ang black hole dahil sa supernoba o pagsabog ng isang bituin. Pagkaraan ng pagsambulat na ito, "kinakain" ng pusod ng pagsabog ang paghila ng natitirang bituin at lumalakas pa ito. Kahit ang liwanag ay hindi nakakalabas dahil sa palakas nang palakas na paghila.

May isang teoryang nagsasabing ang black hole ay isang bituing neyutron, dahil ito ang pusod nang sumabog na bituin. Ayon sa teorya, nagkakaroon ng isang napakaliit na maliit na bagay na nabuo mula sa mga atomo ng isang napakalaking bituin na naubusan na ng gatong o enerhiyang nukleyar na paglaon ay humina at nabuwag na ng tuluyan, hanggang sa ito'y mapapasinsin o masisiksik ng tuluyan hanggang sa marating na nito ang Swarzchild Radius o ang isang bagay na kasinlaki ng isang holen na kasing bigat ng maraming bilyon bilyong tonelada, na siyang kilala sa pangalang "singularidad". Ang napakalakas na paghila o atraksiyong grabitasyunal ng katawan ang pumipigil sa pagkawala ng lahat ng mga materya at enerhiya kasama na ang enerhiya ng liwanag. Dahil walang liwanag na makalabas mula sa bagay na ito, hindi ito makikita sa kalawakan. Dito nagmula ang katawagang black hole.[1]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Black hole". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa titik na B, pahina 516.

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya at Pisika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.