Si Blanche Kelso Bruce (Marso 1, 1841 – Marso 17, 1898) ay isang Amerikanong politiko. Kumatawan siya para sa Misisipi bilang isang Republikanong Senador ng Estados Unidos mula 1875 hanggang 1881 at siyang unang Aprikanong Amerikanong naglingkod sa isang buong termino o panahon sa Senado ng Estados Unidos. Si Hiram R. Revels, na mula rin sa Misisipi, ang unang naglingkod sa Kongreso ng Estados Unidos subalit hindi siya naglingkod sa isang buong termino o panahon ng panunungkulan. Noong 2002, isinama ng iskolar na Molefi Kete Asante si Bruce sa kanyang listahan ng 100 Pinakamagigiting na mga Aprikanong Amerikano.[1]

Si Blanche K. Bruce.

Sanggunian

baguhin
  1. Asante, Molefi Kete (2002). 100 Greatest African Americans: A Biographical Encyclopedia. Amherst, New York. Prometheus Books. ISBN 1-57392-963-8.

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.