Blaspemiya
Ang blaspemiya, lapastangang panrelihiyon o relihiyosong lapastangan (Ingles: Blasphemy), gaya ng tinukoy sa ilang relihiyon o mga batas na nakabatay sa relihiyon, ay isang insulto na nagpapakita ng paghamak, di-paggalang o kawalan ng pamimitagan tungkol sa isang relihiyosong diyos, isang bagay na itinuturing na banal o isang bagay na itinuturing na di-nalalabag. [1][2][3] Itinuturing ng ilang relihiyon ang blaspemiya bilang isang relihiyosong krimen, kabilang ang pang-iinsulto sa Islamikong propeta na si Muhammad sa Islam, ang pagsasalita ng "sagradong pangalan" sa Hudaismo, at ang "walang hanggang kasalanan" sa Kristiyanismo.
Sa unang bahagi ng kasaysayan ng Simbahan, ang blaspemiya o relihiyosong lapastangan ay "itinuring na nagpapakita ng aktibong di-paggalang sa Diyos at may kinalaman sa paggamit ng bastos na pagmumura o panunuya sa kanyang mga kapangyarihan". [4] Sa mundo ng medieval, ang mga gumawa ng blaspemiya ay nakikita na nangangailangan ng disiplina. [4] Pagsapit ng ika-17 siglo, maraming makasaysayang Kristiyanong bansa ang may batas laban sa blaspemiya. Ang mga blaspemiyang batas o batas ng lapastangang panrelihiyon ay inalis sa England at Wales noong 2008, at sa Ireland noong 2020. Pinawalang-bisa ng Scotland ang mga batas nito sa relihiyosong lapastangan noong 2021. Marami pang ibang bansa ang nag-alis ng mga batas sa blaspemiya kabilang ang Denmark, Netherlands, Iceland, Norway at New Zealand. [5] Magmula noong 2019[update], 40 na bahagdan ng mga bansa sa mundo ang hanggang ngayon ay may mga blaspemiyang batas, kasama ang 18 na mga bansa sa Gitnang Silangan at Hilagang Aprika, o 90% ng mga bansa sa naturang rehiyon.[6][7][8] Ang mga relihiyong Dharmic, tulad ng Hinduismo, Budismo at Jainismo, ay walang konsepto ng blaspemiya at samakatuwid ay walang pinipreskribong kaparusahan. [9]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Blasphemy". Random House Dictionary. Nakuha noong 12 Enero 2015.
Quote: impious utterance or action concerning God or sacred things.; the crime of assuming to oneself the rights or qualities of God.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Blasphemy Merriam Webster (July 2013); 1. great disrespect shown to God or to something holy
2. irreverence toward something considered sacred or inviolable - ↑ Blasphemies, in Webster's New World College Dictionary, 4th Ed,
1. profane or contemptuous speech, writing, or action concerning God or anything held as divine.
2. any remark or action held to be irreverent or disrespectful - ↑ 4.0 4.1 Maling banggit (Hindi tamang
<ref>
tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalangNash2007
); $2 - ↑ "Hate Crime and Public Order (Scotland) Bill Information Note: Blasphemy" (PDF). gov.scot.
- ↑ countries and territories worldwide had blasphemy laws in 2019, Pew Research (25 January 2022)
- ↑ Laws Penalizing Blasphemy, Apostasy and Defamation of Religion are Widespread Pew Research (21 November 2012)
- ↑ Blasphemy Divide: Insults to Religion Remain a Capital Crime in Muslim Lands The Wall Street Journal (8 January 2015)
- ↑ Why Hinduism never developed a concept of blasphemy, Rediff.com, 4 February 2015.