Blocking (entablado)

Sa teatro, ang blocking (Ingles na salita; literal na salin sa Tagalog: pagharang) ay ang wastong kinatatayuan ng mga aktor nang sa gayon ay mapadali ang pamamahala sa palabas, baley, pelikula o opera. Ang katawagan na ito ay mula sa kasanayan ng mga direktor noong ika-19 na siglo tulad ni Sir W. S. Gilbert na siyang gumamit ng tagpo sa mas pinaliit na entablado gamit ang mga bloke para kumatawan sa bawat aktor.

Sa teatrong kontemporaryo, ang direktor ang siyang madalas nagbibigay ng blocking tuwing pagtatanghal na nagsasabi sa aktor kung saan ito dapat gumalaw para makamit ang dramatikong epekto, matanaw ng mga manonood habang nagsasalita sa entablado at sumabay sa pag-iilaw ng isang eksena.

Bawat tagpo ay kadalasang blocked o nakaharang bilang isang yunit kung saan ipagpapatuloy lamang ng direktor ang susunod na eksena. Ang pagpoposisyon ng mga aktor sa entablado sa isang eksena ay maaaring makaapekto sa mga kasunod na kinatatayuan ng mga ito maliban na lamang kung ang entablado ay bakante sa pagitan ng mga eksena. Tuwing nagsasanay sa blocking, ang pangalawang direktor, ang namamahala ng entablado o ang dalawa ay ang nagtatala kung saan nakaposisyon ang mga aktor at ang kanilang mga galaw sa entablado. Mahalaga para sa namamahala ng entablado ang pagtala sa mga posisyon ng mga aktor sapagkat hindi sa lahat ng pagkakataon ay nariyan ang direktor para gumabay kung kaya’t kinakailangan ng namamahala ng entablado na siguraduhing sumusunod ang mga aktor sa mga nakatakdang blocking.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.