Ang bodabil (Kastila: vodevil) ay isang uri ng samu't-saring libangan na laganap sa mga entablado ng Estados Unidos at Canada simula pa noong 1880 hanggang 1930. Nabuo mula sa iba't-ibang pinaggalingan tulad ng conert saloons, minstrelsy, kakaibang palabas (freak shows), dime museums at pampanitikang burlesque, ang vaudeville ay naging isa sa pinaka kilalang uri ng libangan sa Hilagang Amerika. Bawat gabi, ang buong palabas ay binubuo ng sunod-sunod na magkakaibang hiwa-hiwalay na pagtatanghal. Kabilang sa mga pagtatanghal ay mula sa mga musikero (klasiko at kilala), mananayaw, komedyante, turuang hayop, mahikero, mga babae at lalakeng manggagaya, akrobatiko, maikling dula o mga eksena mula sa teatro, atleta, nangangaral na mga kilalang personalidad, minstrels at maikiling pelikula.

Isang panglaganap na paskil ng Sandow Trocadero Vaudevilles (1894), na nagpapakita ng mga mananayaw, payaso, artista, asong nakakostyum, mang-aawit, at mga nakakostyum na aktor

Etimolohiya

baguhin

Hindi malinaw kung saan nanggaling ang salitang vaudeville, ngunit madalas banggitin na ito na hinango sa ekspresyong "voix de ville" na ang ibig sabihin ay "boses ng siyudad". Isa pang maaring pinanggalingan ng salitang ito ay ang Vau de Vire (Pranses), isang lambak sa Normandy na kilala sa mga kantang may istilong satirical at temang topikal. Bagamat ang salitang "vaudeville" ay ginagamit na sa Estados Unidos simula pa noong 1830, karamihan sa mga tanghalan ay nagsimula lamang gamitin ito noong 1880 at 1890 sa dalawang kadahilanan. Una, dahil nais nila ng mga panauhing nasa mataas na antas ng lipunan, iniiwas nila ang kanilang mga tanghalian mula sa mga magugulo at nasa mga mangagawang antas na tangahalan. Pangalawa, ang Pranses o mala-Pranses na pangalan nito ay nagpapahiwatig ng pagiging sopistikado at marahil ay ginagawang nitong mas nabibilang ito sa mga interes patungkol sa edukasyon at sariling pangkaunlaran noong panahon ng pagiging progresibo. Ang iba naman ay mas nais gamitin ang naunang pangalan na variety sapagkat tulad ng sinabi ni Tony Pastor, ito ay isang "sissy and Frenchified" na termino lamang. Dahil dito, madalas makita sa mga talaan na ang isang vaudeville ay inilalathala bilang isang "variety" noong ika-dalawampung siglo.